Chapter 4

47 9 1
                                    

JAREK took a sip of water habang naghihintay ng sagot niya. His eyes didn't leave her face kaya lalong bumilis ang tambol sa puso niya.

"It's... not a date." Napalunok siya. Tumaas ang isang kilay ni Jarek na para bang ayaw maniwala sa kaniya. Sabagay, siya ngang may katawan ayaw paniwalaan ang sarili niya. Tsk!

"Okay."

Hindi na nag-usisa si Tem kung ano ang ibig sabihin ng okay na sagot ni Jarek. It doesn't confirm that he is going to watch her gig. Baka nag-okay ito sa it's not a date na sinabi niya kanina.

Nang matapos silang kumain ay ibinili nga siya nito ng cheesecake pero dahil busog pa siya ay sinabing sa bahay na lang kakainin. He dropped her off at home at nagtaxi na si Jarek pauwi ng bahay nito.

It was already past six by the time she got home at kasalukuyang naghahapunan ang mga magulang niya kasama ni Athena.

"Tem, kain na," aya ng kapatid sa kaniya habang hindi naman siya pinansin ng mga magulang. Tahimik lang ang mga ito nang dumating siya.

"I already ate." Nagtuloy siya sa pag-akyat sa hagdan at dumiretso sa kaniyang kwarto.

Ipinatong niya ang cheesecake sa study table nang makapasok sa loob at saka nahiga sa kama. She still has a couple of hours to rest before her gig. Masakit talaga ang balikat niya kaya bumangon siya at binuksan ang drawer. Kinuha niya ang bote ng Advil at uminom ng isa. It should help with the pain. Buti na lang may isa pang bottled water sa silid niya para hindi na siys bumaba.

She rarely eats with her family at wala naman siyang naririnig na reklamo sa mga ito. Baka nga mas gusto pa na hindi siya kasabay at sa kalaunan ay nasanay na rin siya.

Sanay siyang mag-isa. It's weird because she lives in such a big house but it never felt like home to her. Kahit isang beses, hindi niya naramdaman na parte siya ng isang pamilya.

Hindi naman siya salat sa materyal na bagay kahit sa pera. Pero hindi naman siya maluho kaya iniipon niya at kapag may nagustuhan ay binibili. Aside from collecting guitars, wala na siyang ibang hilig. Ang kotse nga niya ay bigay lang ng mga magulang dahil ang sabi ni Athena, kung bibilhan siya ng kotse ay nararapat lang na mayroon din siya. The car was a gift for her 18th birthday.

She didn't have a party. Kasama niyang nagcelebrate ang mga kaibigan niya habang si Athena ay isinama ng mga magulang nila sa Greece. Kahit pabalat bunga ay hindi siya inimbita. But that's okay, manhid na siya.

After taking her medication, nakatulog si Tem ay nagising lang sa ring ng cellphone niya.

"Tem." Si Darius ang nasa kabilang linya.

"Hey." Naghikab siya at hindi man lang nahiya na marinig ng kaibigan.

"Are you okay? Masakit pa ba ang balikat mo?"

"Ayos lang. Nakainom na ako ng gamot. Naitulog ko na rin," sagot niya rito. She's wide awake now at bahagyang iginagalaw ang braso. May kaunti pa ring sakit sa balikat niya pero bearable naman iyon. Iinom siya uli ng gamot mamaya.

"Do you want me to pick you up o kaya mong magdrive?"

Napangiti si Tem. Kung anong malas niya sa pamilya, siyang swerte naman niya sa mga kaibigan niya. "Panis ka talaga. Hindi naman ako lumpo. Balikat lang 'to, malayo sa bituka."

Mahinang natawa si Darius. "Okay, sabi mo e. Kita na lang tayo mamaya. Ingat ka sa pagmamaneho."

She got up to get ready. Habang nasa shower ay sinubukan ni Tem i-clear ang isip niya na puro mukha ni Jarek ang laman. Malala ang tama niya.

Ang nananahimik niyang mundo ay biglang nagulo. Sino naman ang mag-aakala na ang isang sophomore na katulad niya ay mapapansin ng lalaking iyon? Tsk. Pero baka natuwa rin lang si Jarek sa kaniya o kaya na-guilty dahil natamaan siya nito ng bola. Bukas ay siguradong back to normal na uli ang lahat.

Take Me As I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon