Chapter 5

57 10 1
                                    

INIHATID pa siya nina Darius sa kotse niya nang matapos ang tugtugan nila. Sina Maddy ay hindi nakapunta dahil masakit raw ang ulo nito. At kapag wala si Maddy, wala rin si James. Alas dos na siya ng umaga nakarating sa bahay. Mabuti na lang at alas nueve pa ang unang klase niya kaya makakatulog pa siya kahit paano.

Tahimik na ang kabahayan kaya nagdiretso siya sa kwarto. As soon as she got in, naghubad siya at mabilis na nagshower. She won't go to bed without washing up and brushing her teeth first. Amoy sigarilyo siya kahit hindi naman siya nagyoyosi. Nang matuyo ang sarili ay kinuha niya ang isang oversized tshirt at isinuot ang thong niya. She likes sleeping naked pero saka na lang kapag may sarili na siyang bahay. Mahirap na at baka biglang pumasok ang mga magulang niya which she doubts would happen pero mabuti na 'yong sigurado. Dalawang taon na lang at makakagraduate na siya. Lalaya na siya.

The next morning, nakapasok na sa trabaho ang mga magulang niya at nakaalis na rin si Athena. Alas otso na siya nagising kaya mabilis siyang bumangon at naligo. Hindi na siya nag-abalang magbreakfast. She didn't bother washing her hair too dahil nashampoo naman niya ito kagabi at mabango pa. She just tied it into a messy bun at hinayaan malaglag ng kusa ang ilang hibla. Lip gloss lang ang inilagay niya sa labi at hindi na naglagay ng make up. Isang long sleeves na puti ang isinuot niya saka maong na shorts na umaabot hanggang sa gitna ng hita. Tem folded the sleeves twice at bumagay naman iyon sa kaniya. She wore her flip flops at tanging ballpen lang ang dala niya. Hihingi na lang siya ng papel kay Maddy mamaya. Tinatamad siyang magdala ng bag.

Nang maisuot ang aviator sunglasses niya ay sumakay na ng kotse at pinaharurot ito. Ilang sasakyan rin ang nilampasan niya hanggang sa makarating sa school. May kinse minutos pa siya bago mag-umpisa ang klase niya.

"Tem!" tawag sa kaniya ni Maddy.

"Hey." Inaantok pa rin siya at tinatamad siyang pumasok sa unibersidad pero ayaw rin niyang tumigil sa bahay.

"Ganda natin ngayon ah," biro nito sa kaniya. "Himala pala at nakasuot ka ng puti. You always wear black."

"I couldn't find anything to wear. Magmall kaya tayo mamaya. May gagawin ka ba?"

"Wala naman. Sasamahan kita basta ilibre mo ako ng bubble tea."

Tumango siya at naglakad na sila papunta sa building nila. Una nga lang nilang sasapitin ang building ng Engineering at nakita niya sina Cai. Kumaway sina Ian sa kaniya. Tumango siya sa mga ito. She doesn't have time for a chat.

May magkakabarkada sa harap nila at pawang mga babae ang mga ito. They are in their third year at business rin ang kurso. Narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Swerte ni Athena," sabi ng babaeng nakaponytail.

"Oo. Imagine having coffee with Jarek Stark?! Sobrang nakakakilig!"

"I saw them last night. May kasama pang yakap. Grabe!"

"Ayos ka lang?" tanong ni Maddy kay Tem. Napansin niya ang pananahimik ng kaibigan. Nakarating na sila sa classroom at pinili nila ang bakanteng upuan sa likuran. Wala pa si James pero ipinagtabi na nila ng upuan.

Ngumiti ng matamis si Tem. "Siyempre. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Kasi—" Naputol ang sasabihin ni Maddy nang dumating si James kasama si Darius.

May dalang kape si Darius at ibinigay sa kaniya saka pastry. Nagtatakang tumingin si Tem sa kaibigan niya. "Bakit may paganito ka?"

Nagkibit balikat lang ang binata. "Siguradong hindi ka na naman nag-almusal sa inyo kaya nagpasama ako kay James bumili ng makakain mo. Male-late naman si Prof kasi pinatawag ni Dean. Nakasalubong namin kanina. Kain na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Take Me As I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon