Chapter 6

1.1K 45 4
                                    

HEISJE

Sabay sabay kaming pumasok, at tama nga ang hinala ko. Walang papasok na teacher samin nung nakaraan, matapos ang klase ni Sir Brandon wala nang pumasok. Oo tama yan, huwag na silang pumasok dito mga walang silbi. Pag pumasok yang mga yan, gagantihan ko sila. Mag dadalawang linggo nako rito, maraming nangyari nung nag isang linggo ako rito.

Amputa, kung ano anong katarantaduhan ang ginawa nila sakin! Hindi ko makakalimutan yon! Pero simple lang naman ang ginawa nila sakin, binato nila ako ng papel na basa. Kadiri!

Hindi ko rin makalimutan ang mga tarantadong teacher, mag dadalawang linggo nako rito tapos ni isa wala talagang napasok maliban kay Sir Brandon. Gusto ko silang silaban dahil sa inis!

Aminado naman ako na masama ang ugali ko, marunong ako gumanti. Hindi naman ako tanga para hayaan silang gawin yon, nakakabastos naman kasi. Nag babayad ang iba tapos hindi tuturuan, ni hindi kayang maging professional kahit minsan e.

May pag ka-bastos din ako, hindi naman ako mapag pasensya sa mga ganon na bagay. I just want them to be professional and i want them to set aside their anger at us— i mean, if you are a real teacher and you have a good education, hindi mo gagawin ang mga bagay na yon. Mukhang nakikinig din naman ang mga to, nakita ko kanina kung paano sila makinig sa tinuturo ni Sir Brandon.

These students are smart, pero paano nila magagamit yon kung hindi sila tinuturuan ng ayos? I heard that they have a good score in their examinations but these teachers put a low mark on their grades. Nag mumukha silang repeater sa katarantaduhan ng mga guro rito. Mahahalata mo agad kung sino nakapag-aral ng ayos sa hindi.

Kung hindi ka ba naman tanga na mag babagsak ka ng studyante kahit na matataas ang nakukuhang score sa exam, tapos irarason mo e walang school works like bitch, use your brain. Hindi ka naman napasok tapos hahanapan mo sila ng scores?

May kumalabit sakin, hindi ko nililingon pero alam ko na agad kung sino yon. Si Chian. At tama nga ako, naka tingin siya sakin at nakangiti. "Magaling ka ba sa public speaking?" Tanong niya sakin. I used to handle the debate club before. Tumango ako.

Naka tingin silang lahat samin ni Chian "Gumalaw na kasi ang Campus Leaders, gaya natin may mga section din na hindi natuturuan ng ayos gaya nang ginagawa satin. Nahanap sila ng student na willing mag volunteer, sa school na to limang o walong section ang hindi natuturuan ng ayos at kabilang na tayo ron. Kailangan sa isang section meron willing na ilaban sa debate kumabaga teacher vs student." Napa buntong hininga siya. Amputa, dami pauso tanga lang sila e.

"Then?" Tanong ko sa kaniya, huminga siya ng malalim at nag patuloy sa sasabihin.

"Maraming teacher na makikitid ang utak kaya gusto nila, sila ang lumaban para walang palag ang estudyanteng kalaban nila. Hindi lang sila Kaize ang Campus Leaders dito, marami sila at lahat sila gumalaw na dahil maraming nag rereklamo about sa hindi pantay pantay na pag tuturo ng mga guro ng mga guro rito. Sa Wednesday na agad yon, each section should have their own representative. Once na manalo ang mga estudyante sa debate na gagawin, walang pag pipilian ang nga guro kung hindi ang umalis sa school na ito o nag tuturo sila" Akala ko tapos na siyang mag explain pero may pahabol pa "Fifty percent daw na pwedeng mamove ang debate na yon, pwedeng bukas agad or next week. Maraming parents ang nag rereklamo about that" Tumango ako. Alam ko ang gusto niyang iparating, gusto nila akong ilaban para ron.

Napa ngiwi ako. "Paano pag walang representative ang isang section? Hindi nila papasukan? Kasi kung oo, hindi ako aattend sa debate na yon" Bahala sila, putangina matapos lahat lahat mag gaganon sila.

Behind Her Secrets (OGS #1) Where stories live. Discover now