Chapter 68.5 ♬ The Countdown. (Regretful Mistake)

42.8K 744 157
                                    

Chapter 68

(Revised & Edited.)

Serene's POV

After ng klase namin umalis na ako agad sa classroom. Hindi na ako magtataka na pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay may mga anino na ako sa likod na naglalakad sa magkabilaang gilid ko. Si Nyree at Kelly. 

"Master diretso uwi na daw po tayo sabi ni kuya Julian," sabi ni Kelly

"May training pa kayo with Lady Magdaleine so kuya Niel and you can't be late." si Nyree habang nag-aayos ng buhok. Kumindat pa nga sya sa isang cute na lalaking nadaanan namin eh. Hay.

Huminto ako sa paglalakad at bahagya din silang napahinto. 

"What do you guys are up to?" Tinaasan ko sila ng kilay. Tinutukoy ko yung about sa pagkaabsent nila Julian sa klase. Hindi kasi sila mag-aabsent ng walang sapat na dahilan.

"U-up to what?" nauutal na tanong ni Nyree

"Who were up to something?" dagdag naman ni Kelly. Masyadong mabilis na sabi nito sabay layo ng tingin sa akin. Huli kayo!

"Uh-huh?" Hindi talaga magaling magtago ng sikreto ang dalawa. Masyadong obvious eh. Pinaningkitan ko sila ng mata at halatang hindi sila mapakali sa kinatatayuan nila. Haha! Ang sarap talagang takutin ng dalawang 'to kung minsan.

 

"Fine." Tumalikod na ako. "Pakisabi na lang kay Julian na kung ano man ang binabalak nila it should be something good." 

Narinig ko sila na napahinga ng maluwag. Kapag sinabi kasi nila sa akin kung ano man ang binabalak nila Julian eh siguradong kakalbuhin sila nila Sharie at Reece ng buhay. 

"Ui babes!" tawag sa akin kaya napalingon ako.

"Rico!" kaway ko

"Ang bilis nyo namang maglakad! Ay grabe, wait, hiningal ako dun ah." 

"O bakit may problema ba?"

"Oo malaki." sagot nya.

"Eh ano?"

"Gutom ako eh may pagkain ka ba?"

Binatukan ko sya ng napakalakas ng magising gising naman ang diwa nya. 

Busangot nyang hinapo ang ulo. "Huhu aray naman babes."

"Sira ka kasi!" Seriously? Hinabol nya lang ba kami para pakainin yang mga uod nya sa tyan?

"Minsan talaga Rico hindi ko alam kung ang utak mo ba nasa tyan o sa talampakan eh." 

"Hehe." kamot nya sa ulo. "Pero syempre joke lang yun."

"Eh ano ba kasi yun?"

Ang sarap talagang kutusan nito minsan. Pasalamat sya dahil cute sya dahil kung hindi!

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon