p r o t e c t i o n 30

718 31 5
                                    

Lumabas na siya at naiwan ka namang naka nga-nga. Umiling ka na lang.

*ding-dong*

Napalingon ka naman sa may pinto. Agad mong sinilip kung sino ito. Pero di mo makita kung sino dahil puro black ang screen. Nagkibit-balikat ka nalang at binuksan na nga ito.

"Wow!" nagulat ka nalang dahil biglang pumasok sina Levi, Skyler, Chase at Nathan.

"Anong ginagawa niyo dito!?" di ka makapaniwala.

Bago lang kayo lumipat at ito sila, nasa harapan mo na.

"Tinawagan kami ni Tita Alexa at Tito Joshua na dito na raw kayo titira." sabi ni Levi at humiga sa couch niyo.

Sumimangot naman bigla ang mga pagmumukha nina Nathan, Skyler at Chase dahil wala na silang mauupuan.

"Tumayo nalang kayo. Bata pa naman kayo e." ang sabi mo at pumunta ka na nga ng kusina.

Nabigla ka naman dahil nakasunod pala silang tatlo sa iyo at nag-uunahang kumuha ng silya na nasa dining table. Di mo na lang sila pinansin.

"Ganda naman dito." komento ni Levi

"Dito na rin kami!" sigaw ni Skyler.

"Kapal ng mukha niyo."sigaw mo rin

Syempre nagsisigawan kayo kasi malaki ang condo at nasa kusina ka at nasa living room sina Skyler.

"Ibig sabihin ba, magkakaroon na ng pangalawang anak si Josiah?" tanong ni Levi at tumawa sila nang malakas.

Kumunot ang noo mo at lumapit ka na sa kanila bitbit ang tray na,

"Shet, tubig lang!?" reklamo ni Skyler

"Shunga ka talaga! Kakalipat lang namin!" inangilan ka nalang ni Skyler at umirap pa ito.

"Ay tama may dala pala kami para sa inyo ni Josiah." Sabi ni Nathan at lumingon-lingon ka sa paligid.

"Asan na?" demand mo pa. Kapal talaga ng mukha mo Steph.

"Pinahatid pa. Demanding ha." Sabat naman ni Chase at uminom na ng tubig.

"Teka? Nasaan pala si Josiah? Saan na ang magaling at malandi mong hubby?" tanong ni Levi at lumingon-lingon.

"Di ba kayo nagkita, o nagkasabay, o nakasalubong man lang sa labas?" tanong mo at umiling lang silang tatlo.

"Baka, pumunta 'yun kay Celine." Sabi ni Skyler at tumingin sa akin.

"HAHAHA! Selos siya oh!" tinuro ni Skyler ang mukha mo at tinawanan ka nilang apat.

"Mga boset. Umuwi na nga kayo!"

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon