Chapter 13

70.5K 2.2K 188
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)


Macario Karangalan Sandoval


WHAT WAS HAPPENING?


Bakit nagkalat ang mga unipormadong bodyguards sa labas ng pinto ng aking condo Pagpasok ko ng pinto ay nadatnan ko sa sala ang bise presidente ng bansa, si Dad. What the fuck was he doing here? Paano siya nakapasok? May mga unipormadong lalaki na nakatayo sa bawat kanto ng sala area.


Humarap si Dad sa akin. Puting barong at itim na slacks ang kanyang suot. "Son, I am here to talk to you."


Tumiim ang mga labi ko. Wala ako sa mood makipag-usap. Kakauwi ko lang dahil nag-away kami ni Pamela, hindi okay ang mood ko.


"I want to understand you, Macoy," ani Dad. "Bakit ka nagkakaganito?"


"What?" halos padura na sabi ko.


"You are rebelling. Sa ginagawa mo, sinisira mo ang buhay mo."


"Paanong sinisira ko, Dad?" balik ko sa kanya. "Kahit busy ako sa band, pinapasukan ko pa rin ang ibang subjects ko."


Yumuko si Dad. "Iilang subjects lang. Hindi ka makapag-full load dahil mas inuna mo ang pagbabanda. Hindi lang iyon, you always go clubbing, palaging lasing. Matatahimik lang siguro ako kung nasa bahay ka na ulit. Kung babalik ka na sa atin."


"And what? Titira ulit ako kasama ang pangalawang asawa mo?!"


"Lulu cares for you, Macoy. Kahit hindi ka niya tunay na anak, inaalala ka niya. Kahit binabastos-basto mo siya, may pakialam pa rin siya sa 'yo."


Pagak akong natawa. "Ano ba'ng pinakain ng babaeng iyon sa 'yo, Dad, at paniwalang-paniwala ka sa kanya? Come on, ano'ng pinakain niya sa 'yo? Maliban sa puke niya, ano pa?!"


Doon tumigas ang anyo ni Dad. Nasa mukha niya ang pagpipigil na suntukin ako.


Ngumisi ako at lumapit sa kanya. "'Wag mo nang pigilan, Dad. You can punch me if you want. Come on. Hindi naman ito ang unang beses, ' di ba?"


Ang unang beses na nasapak niya ako ay noong nagsumbong ang putang Lulu na iyon sa kanya. Sinabi ng babaeng iyon na hinipuan ko raw ito, pero kabaliktaran ang tunay na nangyari. Si Lulu ang basta pumasok sa kuwarto ko at nanghipo sa akin. Ito ang palaging gumagawa niyon. Mula pa noong sixteen lang ako. Nang pumalag ako, doon ito nagsumbong kay Dad. And Dad believed her more than me.


I was barely seventeen when I left our house. Hinabol naman ako ni Dad pero ang gusto niya ay humingi ako ng tawad kay Lulu. Bakit ako hihingi ng tawad samantalang hindi ako ang may kasalanan?!


Namulsa ako. "Dad, let me live my life the way I want to live it. Iyon na lang ang magagawa mo para sa akin."

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon