Chapter 14

71.1K 2.3K 188
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)


I WAS WITH DONALD.


Si Donald ang aking kasama pero si Macoy ang nasa isip ko. And I think that was unfair to Donald. Bago pa tumagal ay nagpaalam ako kay Donald. Iniwan ko siyang nagtataka.


Nanakbo ako palabas ng venue. Hindi na ako nakapagpaalam kina Mama. Basta lumabas ako. Naka-gown pa ako na pumara ng taxi at nagpahatid sa lugar kung saan isinisigaw ng puso kong tanga na puntahan ko—sa condo ni Macario Karangalan Sandoval.


Napahawak muna ako sa aking dibdib bago tuluyang pumasok sa condo ni Macoy. Gamit ko ulit ang code na bigay ni Cloud. Nang sumigid sa aking katawan ang lamig ng aircon ng lugar ay saka ako napatanong sa sarili, ano bang katangahan na naman ito?


Ano pa ba ang gusto kong patunayan? Bakit pa ako pumunta rito?! Naiiyak na babalik na sana ako sa pinto nang bigla akong matigilan. Meron akong ungol na naulinigan.


Macoy? Boses iyon ni Macoy. Ungol niya iyon!


Hindi na ako nag-isip pa, madali akong pumunta sa kanyang kuwarto. Ang mga nadaanan ko ay mga kalat-kalat na gamit. Wala naman nang alak, ang nasa sahig ay mga cup noodles at energy drink na wala nang laman. Mukhang iyon lang nilaman ni Macoy sa tiyan niya.


Pagpasok ko sa kuwarto ay nadatnan ko si Macoy na nakahiga sa kama. Binuksan ko ang lampshade at sinilip ang kanyang mukha. Namumula ang matangos niyang ilong. Nakakainis lang dahil habang nasasaktan ako sa venue kanina kakaisip sa kanya, ay nandirito lang pala siya natutulog at ang guwapo-guwapo!


May kasalanan siya sa akin. Ano kaya kung takpan ko ng unan ang kanyang mukha?


Sinipat ko siya ng tingin. Tulog na tulog talaga siya. Umuungol-ungol pa. Ano ba ang napapanaginipan iya? Manipis na pajama ang kanyang suot kaya naman hindi nakaiwas ang aking mga mata sa nakabukol sa kanyang harapan.


Napalunok ako sabay bawi ng tingin. No, hindi ako puwedeng magkasala. Galing ako kanina sa simbahan.


Kalma lang, self. Baka morning erection lang 'yon kahit evening na.


Tumikhim ako. "M-Macoy..."


Bahagyang siyang gumalaw at umungol na naman. Halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata.


"Lasing ka na naman ba?" tanong ko.


Hindi siya kumibo. Nakatingin lang sa akin ang malamlam na uri ng maganda niyang mga mata. Habang nakatingin sa kanya ay napansin ko na pinagpapawisan siya. Bakit? Malamig ang kuwarto niya kaya bakit pinapawisan siya?


Naisipan ko siyang hipuan sa noo. Napanganga ako. Ang taas ng lagnat niya!


Nag-panic ako kaya. Nanakbo ako sa kusina niya para maghanap ng towel para basain ng malamig na tubig. Pagbalik ko sa kuwarto niya ay umupo ako sa kama para punasan ang kanyang mukha, leeg at mga braso. Itinaas ko rin ang suot niyang pajama para pati mga binti niya ay mapunasan ko.

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon