Chapter 16

69.7K 2.4K 225
                                    

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)



ANG DAMING customers sa dine in pagkatapos ng misa sa simbahan sa tapat ng fastfood namin.


Napagod ako dahil sa sobrang dami ng tao. Natapat kasi na Sunday at full sched ako. Nag-OT pa ako para madagdagan ang sweldo.


Pagsapit ng gabi ay dumalang na ang customer. Kahit papaano ay nakapagpahinga kami ng mga crewmates ko. Naglilinis ako ng mesa nang matanaw ko ang mga cashier namin na nagbubulungan. Meron kasing pumasok na isang guwapong matangkad na lalaki. Naka black jersey cap ito at shades kahit gabi.


"Sino iyon? Artista ba iyon?" bulungan na aking naulinigan.


"Ang guwapo. Hindi ko lang makita gaano ang mukha kasi naka-sombrelo. Pero pamilyar."


Wala sana akong balak pansinin ito nang doon ito maupo mismo sa puwesto malapit sa mesa na nililinisan ko. Nalanghap ko ang pamilyar na expensive men's perfume na gamit nito. Natigilan ako sa swabeng bango nito. Hindi ako maaaring magkamali, kilala ko iyon!


Paglingon ko sa lalaki ay nakaupo ito paharap mismo sa akin. Kahit naka-shades ay alam ko at ramdam na nasa akin nakatutok ang kanyang mga mata.


Dahil kaunti na lang naman ang customer ay nagtanggal na siya ng shades at sumbrelo. Tumitig siya sa akin habang nakaupo sa kabilang mesa. Shit! Paano niya nalaman na dito ako nagtatrabaho?!


Hindi mapigilan ng ibang customer na mapatingin sa lalaki. Kahit ang mga crewmate ko ay tila mga kiti-kiti na kinikiliti sa singit habang nakatanaw sa kanya. Kinikilig ang mga ito sa kanya!


Mukha kasing artista si Macoy. Nangingibabaw sa lahat ang maganda niyang kutis kapag tumatabi siya sa maraming tao. Matangkad, maganda manamit at malakas na appeal ang kanyang sekreto. Kahit sinong babae ay mapapatingin sa kanya lalo na't lagi siyang mukhang bagong ligo.


Na-miss ko siya, gagi. Pero hindi ko siya pinansin. Kunwari ay hindi ko siya nakita.


"Pam, basura!" sigaw sa akin ni Judilyn.


"Okay." Iniwan ko na si Macoy at pumasok na ako sa service area. Ibinuhol ko na iyong black bag na puno ng basura na itinatapon kapag closing na. Madalas ay ako ang in charge dito.


"Artista ba iyon? O Model?" naulinagan kong bulungan ng aking mga crewmates. Siguradong kandahaba pa rin ang leeg nila sa pagtanaw nila kay Macoy.


"Parang familiar?" bulong ni Felice sa kausap nitong trainee. "Parang nakita ko na siya sa billboard sa Edsa. Iyong model ng jeans."


"Oo siya nga iyong model!" impit na sabi ng trainee. "Teka, siya rin iyong pianist ng Black Omega Society!" Napatili na ang trainee.


Napatili na ang iba pang crew. Hindi sila makapaniwala na si Macoy ang nasa dine in. Panay silip sila. "Ang guwapo niya sa personal. Sobrang guwapo niya!"

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon