Kabanata 35

3 1 0
                                    


—Mikan——

"Kusa rin bang lalapag ang bula sa tubig?" Tanong ni Lawin habang tiningnan ang lumulutang na bula sa di kalayuan.

"Ang totoo niyan hindi ko pa alam. Ito ang una kong pagkakataon na ginawa ito."

"Ha??" Parang nababahala na ani Ni Lawin.

"Aaaaaa!!" Dinig namin na sigawan. Nang tingnan namin ang bula, pumutok na ito at bumulusok ang balangay sa tubig kasama ang mga Engkantre Engkantres.

Mabilis kaming lumipad papunta sa kanila. Ginamit ko ang aking mahika para pigilan ang pagbagsak ng  balanghay sa tubig upang hindi ito masira. Kung hindi lalangoy kami pabalik sa lupaan.

Nagawang pigilan ng  Engkantre't Engkantres ang kanilang pagbagsak sa tubig gamit ang  petal at bal ag.Ngunit may iba pa ring dumeritso sa tubig.

"A-a-a-Aa!!" Nauutal utal na ani ni Bagis sabay turo sa likuran namin. Napalingon kami kaming tatlo ni Liwa.

"Hindi ito maganda."

Dahil sa dami ng agwa,nakaroon ng sunami. At walang laban ang balanghay dito.

"Sakay bilis!" Tarantang nagsigahunan ang mga Engkantre sa tubig.

"Mikan!" Nababahala na ani ni Liram.

"Pipigilan ko ang sunami,palayagin niyo na ang balanghay."

"Paano ka?!"

"Sige na!! Palayagin niyo na ang balanghay!!" Sigaw ko.

"Kayo na ang bahala sa kanila." sabi ko kay Engkantre Lawin at Liwa. Tumango naman sila at tumalikod.
Lubos na mapaminsala ang sunami na ito kapag aabot ito sa aming sektor.

Kailangan ko itong pigilan.

Itinaas ko ang aking kamay sa harap at naglabas ng mahika.

"Sahan."Sambit ko.
Nagsalpukan ang tubig at ang aking mahika. Binabangga-bangga ng mga sukdukan ginawa ko'ng pananggalang. Naglabas pa ako ng mahika upang lampasan ang lakas nito.

"Pawalan!!" Sigaw ko.
Pumulupot ang aking mahika sa malaking alon.

"Aaeggh!!" Mahinang ani ko. Nahihirapan ako'ng ikuyom ang aking kamay dahil sa lakas at laki ng sunami.

"Hindi..ko ito...hahayaang..umabot sa..sektor nggg lupa~an."
Gulat ako'ng napalingon sa gilid ko nang may nakita ako'ng puting mahika.

"Liwa!" gulat na sabi ko. Tumingin siya sa akin at tinanguan ako. Tumango akon ng konti bilang sagot at ibinalik ang tingin sa sunami.

Sabay naming nilabanan ni Liwa ang buhawi hanggang sa itoy sumabog at humupa ang tubig sa lawa.

Napa upo ako sa bal-ag pagkatapos. Tiningnan ko ang aking mga kamay.

"Muntikan nang maubos ang lakas ko dun a."
Tumingin ako sa tubig, nang wala na itong pagbabadya sa pagtaas muli sumunod na kami ni Liwa kila Liram.
.
.
.
.

"Ayos lang ba kayo?" alalang tanong ni Liram. Si Bagis naman sinusuri ang katawan ko.

"Ayos lang kami. Engkantres Liwa, salamat nga pala." Pasasalamat ko kay Liwa. Tumango lang siya bilang pagtanggap.

"Ina!!" Biglang sigaw ng isang engkantres.
Huminto ang balangay at nagsi-babaan ang mga kasama namin.

"Si Ditse! Ditse!!" sigaw ni Liram sabay kaway kaway.

"Ha~a, Ditse!!" Tuwang-tuwa na sigaw ko saka kumaway kaway.

"Ina!!"

"Kapatid!!"

Engkanta :Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon