Kabanata 43

3 1 0
                                    

—Tagapagsalita——

Dumating si Di-an Malaya sa nayon ng Lawa at mainit siyang tinanggap ng Puno't Hara ng angkan.
Kahit mabigat ang kalooban niya sa ginawa ng angkan na ito. Nanatili pa rin siyang kalmado at maringal.

"Pasok po kayo Hara Malaya." pagtanggap ng Hara ng angkan ng Lawa na may malapad na ngiti.

"Salamat."
At pumasok si Hara Malaya sa engkan ng kanilang nayon.
Tumayo si Punong Hamog sa kanyang upuan at sumalubong kay Di-an Malaya.

"Maligayang pagdating sa aming nayon, Di-an Malaya. Maupo tayo."

"Maraming salamat sa inyong malugod na pagtanggap. Punong Hamog. Paki-usap tanggapin niyo ang munti ko'ng handog."

"Naku,nag-aalala ka pa,ganunpaman salamat."

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Nagpunta ako dito upang tanggihan ang inyong kahilingan na ipakasal ang inyong anak kay Mikan."
Napahinto si Punong Hamog sandali sa paglapag ng handog sa mesa.
Maging si Hara Isla at Engkantres Agwa ay natigilan ng marinig ang sinabi ng Hara.

"Paumanhin, Hara Malaya ngunit mukhang mali ang inyong pagkakaintindi sa mensahe ng aking bana. Hindi iyon isang kahilangan. Obligasyon ni Engkantre Mikan na panagutan ang aking anak." Ani ni Hara Isla..
Tumingin si Hara Malaya sa kanya.

"Paumanhin Hara Isla ngunit walang dapat panagutan ang aking anak kay Engkantres Agwa." sabi ni Hara Malaya. Ngumiti naman ng hilaw si Hara Isla.

"Marahil ay masyadong mabilis ang pangyayaring ito at nabigla kita. Ipagpaumanhin ko rin, ngunit hindi maaaring tanggihan mo ang aming kahilingan. Bilang ina,tungkulin ko ang  pangalagaan ang dignidad ng aking anak."

"Hara Malaya,ipagpaumanhin mo sana ngunit hindi ako makakapayag na hindi pakasalan ni engkantre Mikan ang aking anak." ani ni Punong Hamog.

"Ipagpaumanhin rin Punong Hamog, ngunit may nakatadhana ng engkantres ang aking anak na si Mikan. At hindi niyo ito maaaring hadlangan." Detirminado na ani ni Hara Malaya. Hindi na nakapagpigil si Hara Isla nagsalita.

"Hara Malaya, mukhang may nakalimutan ka" Aniya. Ngumiti ng konti si Hara Malaya.

"At ano iyon,Hara Isla?"

"Mukhang nakalimutan mong nilapastangan ng anak mo ang anak ko." Ani ng Hara at sinadya pang diinan ang salitang nilapastangan.

"Hindi ko alam na kalapastangan na pala ang pagligtas ng isang buhay, Hara Isla."Matapang na sagot ni Hara Malaya.

"Huwag mong baligtarin ang sitwasyon! Hindi pagligtas ng buhay ang ginawang kalapastangan ng anak mo sa anak ko!Kaya hindi ako makakapayag na hindi pananagutan ni Engkantre Mikan  ang responsibilidad niya!"
Binaling ni Hara Malaya ang tingin kay engkantres Agwa.
Nakaramdam ng kaba si Engkantres Agwa at napalagok ng sariling laway. Ngunit pinandigan pa rin niya ang maamo niyang mukha.

"Engkantres Agwa, bakit hindi mo sabihin sa iyong mga magulang ang totoo?" Ani ni Hara Malaya.

"Totoo ang lahat ng sinasabi ko, Hara Isla. Sa katunayan nga, na kay engkantre Mikan ang pinagnunuang bagay ng aming angkan" Taas noong sagot ng engkantres. Detirminado at hindi nagpapakita ng anumang kaba sa kanyang mukha.

"At paano ka nakakasigurado na na kay Mikan nga ang bagay na iyan,engkantres Agwa."

"At talagang pinagdududahan mo pa ang anak ko?" Nagpipigil ng galit si Hara Isla. Matalim siya'ng tiningnan ni Hara Malaya at matapang na sinagot.

"Hindi ko na siya dapat pinagduduhan dahil alam ko, simula pa lang. Sinungaling na ang anak niyo."
Aniya na nagpapaputok ng ugat sa ni Hara Isla.

"Kumalma ka asawa." Awat ni Punong hamog kay Hara Isla nang akmang susugurin nito si Hara Malaya.

Engkanta :Unang YugtoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon