• Enjoy reading, my unnoticed babies 🫶🏻🫶🏻.
ALYESHIA
I was silent the whole time besides the male lead. Wala akong ginawang kahit na anong galaw dahil sa takot na makagawa ng pagkakamali. Hanggang ngayon nga ay tulala pa rin ako at pilit na pinoproseso sa utak na nakasakay ako sa magarang sasakyan habang nasa tabi ang male lead.
Isipin mo 'yon, katabi ko ang male lead na dating binabasa ko lang habang nagpapantasya na kasama ko sa buhay hihihi. Surely, that was a joke. I'm not the type of girl who will easily fall for a fictional character in a book.
Napakagat labi ako dahil sa kasinungalingang pinagiisip ko. Ang eme ko rin eh, halos iyakan ko na nga ang mga binabasa ko dahil sa isiping kahit kailan ay hindi magiging kagaya ng buhay ko ang mga buhay na mayroon sila.
Napatingin na lang ako sa bintana nitong sasakyan habang pinagmamasdan ang dinaraanan.
Ibang klase rin ang utak ng author ng storyang 'to, ang lakas maka-modern type ng mundong ito eh, but instead of technology, they are relying on magic. Kagaya na lang ng sinasakyan namin, isang napakaganda at mamahaling sasakyan pero isang malaking gem stone lang ang nagpapaandar.
You heard it right, isang bato lang ang nagpapaandar.
Hindi na rin naman ako magtataka kasi nabanggit naman ito sa story, pati gamit na gamit ito ng male lead tuwing umaalis ng kanilang palasyo. May iba't ibang klase rin ng ganito ang nakatago sa kanila para sa emergency. Sa tingin ko ay may pito silang uri ng sasakyan tapos tatlo lang ang kanilang ginagamit. ’Yung kay Veighn, sa Hari at Reyna at sa kan'yang kapatid na si Kenjie.
Aish. Enough with the car, I still have a problem now because of that book. Bwisit, kung hindi lang kasi dahil sa kakuryosohan ko ay hindi mangyayari 'to. Tamo tuloy nangyari sa akin, nasa piling na ng male lead dahil nahuli lang naman na may hawak ng ipinagbabawal na libro sa loob at labas ng bansang ito, idagdag pa'ng Lolo niya ang nagbawal nito! Great, just super great, nakakaproud ka kahit kailan Ashleigh.
"Where are we going, young Master?" tanong ko sa kalagitnaan ng katahimikan. Naalala ko na basta niya na lang akong hinigit at sinama rito sa kan'yang kotse. Wala man lang pasabi o paalam sa magulang ni Alyeshia na kukuhain niya ako. Malay ko, baka ipapatay niya na lang ako bigla dahil do'n sa libro. Naalala ko pa man din 'yung sinabi ni Hanely kanina,
"Sa pagkakaalam ko, may isang tao na ang nakapagpalabas ng mga letra nito at binasa sa dating Hari ang nilalaman ng libro. Pero matapos ang gabing 'yon, kinabukasan ay pinatawan na ng kamatayan ang nagbasa nito, walang ibang nakakaalam kung ano ang nangyari at kung ano ang nasa loob ng libro na 'yan. "
Umangat na naman ang lahat ng balahibo ko dahil sa panlalamig ng katawan. How can I keep calm in this situation? Hindi ko nga alam kung mabubuhay pa ako matapos malaman ng male lead na nababasa ko ang kinemeng enchanted na librong 'yon. Napaangat ang tingin ko sa male lead ng sagutin nito ang tanong ko.
"At the palace."
Tuluyang nanlambot ang katawan ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko na mapigilang maluha dahil sa maaaring mangyari sa akin. Shet, mamamatay na naman ba ako? Tangina kasing libro 'yan eh.
Humarap ako dito at nagpuppy eyes na parang tanga. Hindi ako makapaniwala na kaya kong gawin 'to ng dahil lang sa libro.
"P-please young Master, spare my life. I told you, I didn't know that this book is forbidden, I just found it and read it. Hindi ko naman aanuhin 'yan eh, binasa ko lang." naiiyak kong sabi habang nagmamakaawang tumingin dito. Inangatan lang ako nito ng kilay habang nakatingin sa akin na tila isa akong baliw.

BINABASA MO ANG
Transmigrated as a Weakest Daughter of Duke Formentero
Fantasy🌾 Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student who transmigrated to the body of the weakest daughter of a powerful and heartless Duke. She didn't know what to do. Aside from being transmigrated, she also needs to face and encounter the Male le...