Chapter 64

897 40 4
                                    

LUDO POV

Limang araw na ang lumipas ng dalhin ako ni Azriel sa kanyang pribadong isla,sa katunayan ay mas nais ko pang manatili dito.
Sa loob ng limang araw na pananatili namin ay walang ibang ginawa si Azriel kundi ang laging nakadikit sa akin saan man ako magpunta.

Inilibot din ako nito sa buong isla,napakaganda talaga nito,pino ang buhangin,kulay asul na dagat at mga punong nagtataasan.

Ginawan din ako nito ng duyan sa ilalim ng puno napaka presko sa pwesto nito.

Lagi din itong naliligo sa dagat ang mestisong kulay ng kanyang balat ay naging mapula pula na.

Tinuturuan din ako nitong lumangoy,pero ng kamuntikan na akong malunod ay itinigil na niya ito,mura nga ito ng mura.

Malaki ang naging pagbabago sa ugali nito,madalas  na itong magsalita ng tagalog kapag ako ay kausap,at lagi din itong may tipid na ngiti sa labi,inaasar rin ako nito gustong gusto daw niyang nakikita ang aking mga labing nakanguso.

At siyempre hindi nawawala ang pagkakapula ng tenga nito kapag tinatawag ko siyang baby.

Ang mag-asawa at ang kanilang anak na bababe ay pinauwi muna ni Azriel sa kabilang isla sa kanilang tirahan.

Napangiti ako ng malawak ng matapos kona ang aking ginagawang pulseras,ito ay gawa sa maliliit kabibeng aking kinolekta.

"You look happy."biglang sulpot ni Azriel sa aking tabi.

"Tignan mo,tapos kona ang aking ginagawang pulseras."nakangiti kong ipinakita sa kanya.

Ang mga gamit sa paggawa ko ng mga ito ay ipinabili pa niya  sa mag-asawa.

Araw-araw silang nagpupunta dito upang tiyakin kung marami pa kaming mga pagkain na nakaimbak.
Ngunit hindi nagtatagal ay umalis din.

"Yeah,it's beautiful."

"Nagustuhan mo ba?tipid itong ngumiti at tumango.

"It's that for me?tanong nito.
Tumango ako dito habang abala sa aking ginagawa.

"Ginawan ko rin si Andro,at ina."

"What th fu-

Tumigil ito sa pagsasalita ng lingunin ko ito at tinignan ng masama.

Alam ko na kung ano ang kanyang sasabihin.

"Wag kang madamot Azriel."

"Where the baby "ill mio bambino."

Ningusuan kona lamang ito,at tulad ng aking inaasahan ay tumawa lang ito at lumapit sa aking upang hagkan ang aking mga labi.

Noong una ay magagaang halik lamang ang kanyang ginagawa,pero hindi nagtagal ay naging mapusok na ito.

"Aaah."mahinang ungol ko.

"Damn it baby,you turning me on."

At mas lalong idiniin nito ang katawan sa akin.

"Hmmmp.."

Naputol ang mapupusok na halik ni Azriel ng may tumikhim sa aming likuran ng lingunin ko ito ay walang iba kundi ang morenang babae.

Hindi ko alam ang kanyang pangalan dahil mailap ito sa akin,pansin ko rin kay Azriel lang ito laging nakatingin.

"What do you want?malamig na tanong ni Azriel.

"Pi-pinapasabi ni inang na-na kung maaari ay lumipat kayo sa kabilang isla bukas ng umaga kaarawan ko at may magaganap na konting salo-salo."

Hindi tumugon si Azriel, bagkus ay isiniksik lang nito ang mukha sa aking leeg at inamoy-amoy ito.

Mahina ko itong itinutulak paalis,pero sadyang malakas ito akin.

Nahihiya ko itong nilingon na abala  sa pagmamasid kay Azriel.

"Maraming salamat sa pag imbita,paki sabi sa iyong inang ay makakaasa siya na makadadalo kami bukas."

Tumingin ito sa akin,walang emosyon ang kanyang mukha.

Tumango ito at nagpaalam,nagmamadali umalis.

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon