CHAPTER 17:ADDICTED

50.3K 1.1K 191
                                    

birthday ni TAO YOSHIDA NGAYON :))

Happy Birthday Tao! ayusin mo na ang buhay mo!! :))

CHAPTER 17:ADDICTED

TWAYLEM

“Nice to meet you Aesha..” Linend ni Mr.Gonzales yung kamay niya sa akin, siyempre dahil nandito sa tabi ko ang daddy ko.. Kunware mabait muna ako.

“Nice to meet you too sir”

“Ito naman yung anak niya, nawala din yan kagaya mo.” Nagkasalubong yung tingin naming dalawa ni Tao. Ngumiti ito sa akin, ngumiti din ako sakanya..

“And this is Danita, his girlfriend.” Okay n asana e, umeeksena pa tong babaitang to. Hindi naman siya invited ahh? Anong ginagawa niya dito, tumingin-tingin ako sa paligid tinignan ko kung kasama niya yung pet nilang si Breinleigh, kase kung nag kataon nako.. Hindi lang prada bags ang isasampal ko sakanya, pati yung mga gold bars isasampal ko sakanya.

“Aesha..” nang tawagin ako ng daddy ni Tao, nakaramdam ako ng matinding galit sa dibdib ko. Siyempre, hindi naman ganung kabilis mag hihilom yung sugat na ginawa niya sa akin. Pinalayas niya ako sa bahay niya.

Pumunta kami sa isang corner at nag usap kami ng masinsinan ng matandang 'to.

“Hindi ko alam na ikaw pala ang anak ng bestfriend ko” napangisi nalang ako.

“oo nga e, hindi ko ineexpect sa lahat ng pwedeng maging bestfriend ng totoo kong ama. Ikaw pa. What a small world nga naman.” hindi ito tumatawa at wala lang reaction ang mukha niya. Ano pa nga bang aasahan kong maging reaction ng isang tulad niyang walang puso?

Wala diba?

“I just want to say sorry. Alam ko kulang ang sorry.”

Hindi na ako nakatiis at liningon ko na ito. Gusto ko siyang saktan gusto ko siyang patayin! Hindi naman kase ganun kadaling magpatawad… Pero kahit naman kase naging masama siya sa akin, iningatan niya pa rin ako.

“Huwag kang mag alala, papatawarin naman kita.. Kaya lang siguro ngayon hindi ko pa kaya, siguro naman ngayon masaya kana na wala na kami ng anak mo. Huwag kang mag alala, si daddy na lahat ng mag babayad ng lahat ng nagastos mo sa pagpapalaki sa akin.”

“Hanggang kailan ba magmamatigas ha Twaylem?” ng tawagin niya ako sa pangalan nay un.. Natawa nalang ako..

“Twaylem, Bliss Twaylem Gonzales. Ilang years ko rin palang ginamit ang pangalan na binigay mo sa akin. Ilang years din akong pinasaya ng pangalan nay an. Pero sa tingin ko, ito na yung tamang panahon para isoli sa inyo yung hiniram kong pagkatao.” Natahimik ito…

“Huwag po kayong mag alala,kahit hindi po kayo naging mabuting ama sa akin.. Nag papasalamat naman po ako dahil niyo ako pinabayaan. Sa hinihingi niyo pong kapatawaran, siguro hindi ko pa po yun maibibigay sa inyo ngayon…..”

Yinakap ko ito..

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon