Kinabukasan, mahaba pa sana ang tulog ko kung walang kakatok sa pintuan ng kwarto ko Narinig ko ang malakas na ingay mula sa labas, mga boses na tinatawagan ang pangalan ko. Imbes na pagbuksan ko sila, hinayaan ko lang silang mag-ingay na parang wala akong naririnig. Hindi ko alam kung anong kalokohan ang naisip nila para mataranta sila na hindi ako bumangon ng umaga. Is it strange why I'm still lying in my bed at this hour? Didn't they realize that I wanted to sleep more? Aisshhh! How inconsiderate they are.
Tumagilid ako ng pagkakahiga sabay takip ng unan sa tenga ko. Dahan-dahan kong pinikit muli ang aking mga mata. Pero tuloy lang sila sa pag-iistorbo.
"Kuya, buksan mo ito. Ano ba? Kagabi ka pa hindi kumakain dyan. Nag-alala na kami sa'yo."
"Bro, mag-almusal ka na. Alam naming gutom na gutom ka na! Bumangon ka na dyan."
"Aisshhh! Ang kulit ng mga iyon. Hindi ako nagugutom!" I muttered under my breath sharply. Pero narinig ko ang pagprotesta ng tyan ko na taliwas sa sinabi ko.
After a minute or two of deafening silence, bigla na lang bumukas ang pintuan at sabay pasok ng bugso ng hangin mula sa labas. I'm sure they left no choice but to use the key instead. Narinig kong nasa tabi ko na pala sila, pero hindi ko pa din sila hinarap kahit na niyayaya nila akong bumangon na.
"Kuya, ano bang nangyayari sa'yo? Baka magkasakit ka nyan sa ginagawa mo." saad ni Angela na halata sa boses niya ang labis na pag-aalala.
"Halika na bro, nagluto na si Tina at hinihintay na tayong kumain sa baba." sabi naman ni Jericho na hindi napigilan na kalabitin ako ng ilang beses.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko saka bumuga ng mabigat na hangin. Sinipa-sipa ko ang higaan habang pilit na tinatakpan ang unan na nasa tenga at mukha ko. "Ano ba kayo?! Natutulog pa ang tao, hindi ba kayo marunong makiramdam? Sinabi ng hindi ako nagugutom!" halos na pasigaw na bulyaw ko sa kanila.
Sandali silang tumahimik. Nakarinig ako ng magkasunod na mabigat na pagbuntong-hininga. Sigurado akong nagtataka sila sa inaaasal ko ngayon na parang isang batang paslit na matigas ang ulo.
"Hindi ka pa kumain mula kagabi. I'm sure gutom na gutom ka na. Kaya please lang kuya Gani. Kumain ka kahit konti lang para magkalaman ang sikmura mo." nagsalita muli si Angela na ngayon ay nagsusumamo.
This time, lumingon na ko sa kanila nang padabog kong tinanggal ang unan sa mukha ko. "Leave me alone! Hindi nga ako nagugutom sabi. Ang kulit nyo rin!"
"Kuya naman..." The way they looked at me spelled in their eyes how pathetic I am. Aisshhh!
Jericho let out an exasperated sigh after another silence. "Hay, naman. Dati si mama, ngayon ikaw naman. Ano bang nangyayari sa bahay na ito?" naiinis na winika niya na halatang walang ideya sa mga nangyayari.
Wala na din silang nagawa pa at iniwan na nila ako pagkatapos. Pero sinabi ni Angela na dadalhan na lang daw niya ako ng pagkain. Hindi naman ako kumibo at nagtaklob lang ng kumot sa buong katawan. I don't have an appetite. I don't want to talk to anybody. Gusto kong makapag-isa. Period.
As the time passes by, hindi ko ginalaw ang naka-tray na pagkain na nakalapag sa tukador. Bumangon lang ako nang maisipan kong gumamit ng restroom na nasa kabilang silid pa. Napatingin ako sa wall clock na nagsabing mag-a-alas diyes na pala. Matamlay at dahan-dahan kong tinungo ang palabas ng kwarto ko. Nakatingin lang ako ng diresto sa dinadaanan ko nang mahagip ko sa peripheral vision ko ang pababa ng hagdan. Sa may sala, hindi ko akalain na makikita ko si mama na mag-isang nakaupo sa floor habang may hawak na bote ng alak. Natigilan ako pansamantala para panoorin siya.
Nagkibit-balikat lang ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa banyo. Pagkatapos ng ilang minutong pamamalagi, hindi ako dumiretso sa silid bagkus dumiretso ako sa hagdan pababa ng kusina. Nakita ako ng lasing kong ina nang daanan ko siya. Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinapansin.
YOU ARE READING
OUR TIMELINE (우리의타임라인)
RomanceIn a twist of fate, Isagani Manansala and Ha Yoon Jeong-two strangers from different worlds-cross paths in South Korea through a misunderstanding that sparks an unexpected connection. Years later, they meet again in the Philippines, both accomplishe...
