My Forbidden Love (44)

382 29 0
                                    


CHAPTER 44






Nang matapos na kami ni Kuya sa pag tatalik ay kaagad na kaming bumangon at naligo. Pagkatapos naming magbihis ay lumabas na kami ng kwarto at tinungo ang kusina para magluto ng aming hapunan. Nang matapos na kaming mag hapunan ay agad na kaming bumalik ng kwarto para mag pahinga. Nang makapag sipilyo na kami ni Kuya ay dali dali na kaming nahiga at nagyakapan.





"Baby?" tawag ni Kuya sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko.





"Yes Kuya?" agad kong sagot pagka tingin ko sa kanya.





"Birthday mo na pala this 15th of February, tamang tama dahil sunday. Makakapag celebrate tayo dito sa bahay. Now, tell me... ano'ng gustong regalo ng baby ko? Hmmm??" agad na tanong ni Kuya sabay halik niya sa aking labi.





"Parang wala naman Kuya, nakuha ko na kasi ang pinaka gusto kong regalo eh." agad na sagot ko kay Kuya.





"Ano yun baby?" tanong ni Kuya sa akin.





"Ciempre ang maging boyfriend ka Kuya. Yun na yung isa sa pinaka magandang gift na nakuha ko sa'yo." nakangiting sagot ko kay Kuya.





"Susss.. kahit naman na hindi sa birthday mo ay ibibigay ko naman sa'yo yan baby. Always remember... pagmamay ari mo na ang Kuya Carlo mo. Sa'yong sa'yo lang ako baby." sagot ni Kuya sabay halik niya ulit sa aking labi.





"I love you so much Kuya." nakangiting sambit ko.





"I love you more baby!" sagot ni Kuya sabay yakap niya nang maghigpit sa akin.





Ilang sandali lang ay nagpasya na kaming matulog.





~~~×××~~~





Lumipas ang mga araw hanggang sa dumating na yung araw bago ang Valentine's Day. I'm on aux training at habang busy ako sa pagbabasa ng mga emails sa pc ko ay biglang may nagpatong ng limang red roses at isang box ng chocolates sa table ko. Agad ko namang nilingon kung sino yun. Nagulat ako nang makita kong si Vince.





"Advanced Happy Valentine's Glen." nakangiting sambit ni Vince sa akin. Babaeng babae talaga ang peg ko mga sisss!! Hahaha





"My goshhh! Thank you so much Vince." agad akong tumayo at niyakap siya nang mahigpit. Ilang sandali lang ay hinalikan ko siya sa pisngi niya. Nagulat man siya sa ginawa ko pero nginitian ko na lang siya.





"Sige Glen, balik na ako sa station ko." sambit ni Vince sabay lakad pabalik sa kanyang station.





Shiiiittt!! Ang sweet talaga ni Vince. Kinilig naman ako dun. Huhu!! Nakaka babae talaga. Chosss! Hahahaha.





Ilang sandali lang ay bumalik na si Mike from coaching. Agad siyang nagtanong nang makita niya ang roses sa station ko.





"Oh? Sa'n galing yan babe?" tanong ni Mike sa akin.





"Kay Vince." agad kong sagot kay Mike.





"Naks! Ganda ng bestfriend ko ahh!! Babae lang ang peg?" natatawang sambit ni Mike sa akin.





"Ay grabe siya oh." agad kong sagot sabay talikod sa kanya.





"Uy joke lang babe. Ito naman di mabiro oh. Sorry na." agad na sambit ni Mike sabay yakap niya sa akin.





"Eeehhhh babe!! Huwag kang ano diyan! Kinikilig ako!" sambit ko kay Mike sabay tawa.





"Bukas ako naman ang magbibigay niyan sa'yo." tugon niya sa akin.





"Ayyy.. gustong makipag kumpetensiya." sagot ko kay Mike sabay tawa.





~~~×××~~~





Nang matapos ang shift ko ay agad na akong dumirecho ng office ni Kuya. Habang papunta ako dun ay nakasalubong ko siya.





"Baby??" agad na sambit ni Kuya.





"Uy, Kuya... tamang tama, pupuntahan pa sana kita eh." sambit ko kay Kuya.





"Baby, di muna ako makakasabay sa'yo pauwi ngayon. Kailangan ko pang mag overtime dahil marami akong tatapusin eh. Sorry baby ha?" sambit ni Kuya sa akin.





"It's okay Kuya, no worries. Ingat ka sa pag commute mamaya... So pano? Una na akong umuwi ha? Ipagluluto kita ng favorite mong steak." sagot ko sabay kindat kay Kuya.





"Sure baby, mag iingat ka sa pag drive ha? I love you." sabay yakap ni Kuya sa akin at hinalikan pa niya ako sa pisngi.





"I love you too, Kuya! Byeee!" paalam ko kay Kuya sabay flying kiss sa kanya.





Nang makuha ko na yung mga gamit ko ay nakasalubong ko pa si Mike sa locker area.





"Oh babe? Uuwi ka na?" agad na tanong ni Mike sa akin.





"Yes babe, mag oovertime pa kasi si Kuya eh. So mauuna na lang akong umuwi." sagot ko kay Mike.





"Gusto mo bang ihatid na kita sa inyo?" pagprisinta ni Mike.





"It's okay babe, dala ko yung kotse ko eh. Thank youuu." sabay lapit ko kay Mike at hinalikan siya sa pisngi niya.





"Okay sige babe, ingat ka sa pag drive. Love youuu!" sambit ni Mike sa akin.





"Ikaw din babe, ingat din sa pag maneho! Love you toooo!!!" sabay flying kiss ko sa kanya hanggang sa nauna nang umalis si Mike.





Habang naglalakad ako sa hallway ay may biglang tumawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon kasi pamilyar yung boses sa akin.





"Oh, Hi Jerald! How are you?" agad kong sambit sa kanya.





"I'm good Glen, siya nga pala, for you. Advanced Happy Valentine's." sabay abot niya sa akin ng isang bouquet ng sunflowers.





"Oh my gossshhh.. You're so sweet... Thank you so much Jerald!" agad ko na siyang niyakap at katulad ni Vince ay hinalikan ko din siya sa kanyang pisngi. Napangiti naman si Jerald sa ginawa ko.





"Sige Glen, balik na ko ng Training Room. Byeee." paalam ni Jerald sa akin.





"Sureee.. byeee Jerald." nginitian ko siya bago ako tuluyang umalis ng office.





I feel so maganda na talaga sa lagay na ito. Charot. Hahahaha. Pwede niyo nang tapakan yung hair ko.








Continue...








---@spicelopez---

My Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon