Chapter 10

443 27 6
                                    

Chapter 10

I pulled my hand away, keeping my distance from her, and averted my eyes. "Why do you sound worried? Galit ka sa akin, 'di ba?"

Mindless of the rain getting heavier, I rushed back to the gate. Kung hindi lang mababasa at masisira ang mga gamit sa loob ng bag ko ay idederetso ligo ko na.

Naglakad siya palapit sa akin at pinatay ang automatic niyang payong. "I'm not mad at you."

Nilingon ko siya, pinanonood niya ang mga sasakyan na dumadaan. "Ano pala? Inis lang?"

Hindi siya nagsalita. Naghintay ulit ako ng jeep at ilang minuto lang nang may dumating. Tumigil ito sa halos tapat lang ng gate kaya mabilis akong nakatakbo at sumakay.

Paalis na sana ang jeep nang pumreno ito ulit. Napalingon ang lahat ng pasahero.

Kumunot ang noo ko, pinasadahan ng tingin ang buhok niyang medyo nabasa.

"Rain?" nagtataka ko siyang tinawag. "Saan ka pupunta?"

"I'm going home, obviously," she answered, not looking at me.

People were checking her out, and some whispered compliments about her appearance. Who wouldn't take long glances at her? Sa itsura, kilos, at pananamit niya ay mapapalingon ang kahit sino.

Halatang hindi siya sumasakay sa jeep dahil malayo ang bahay nila sa amin, magkaiba ng direksyon. Watching the commuters get their fares and hand them to those next to them, she looked quizzical.

Tatanungin ko sana kung saan siya bababa pero hindi natuloy dahil muling tumigil ang jeep. Pareho kaming napalingon. Sumakay si Benj na basang-basa rin ng ulan.

Mukhang motorsiklo rin ang dala niya. Sumasakay lang kasi siya ng jeep kapag nagmu-motor siya at umuulan.

Rain's expression changed to being unreadable again. Inalis niya ang tingin kay Benj at naglabas ng wallet. Puro cards ang laman nito at lilibuhin. Pero sa itsura niya ay mukhang mas madalas na wala siyang dalang cash.

Pinigil ko ang kamay niya bago niya pa iabot ang isang libo. Dumukot ako ng isang daan sa bulsa ko.

"Dalawang Brooks, manong," malakas kong sabi. Pagkabigay ng sukli ay muli kong tiningnan si Rain. Inilapit ko ang bibig sa tainga niya. "Ang lakas ng ulan, sa amin ka na muna tumuloy."

Bahagyang umawang ang bibig niya pero wala siyang sinabi. Was she uncomfortable because Benj was in front of him, staring at her?

Umangat ang tingin ko kay Benj. Marahan kong ikinawit ang kamay ko sa braso ni Rain na umagaw ng pansin ni Benj. Ano kayang pakiramdam na makita ang dalawang ex niya na magkasama?

"Anong gusto mong dinner? Sasabihan ko si Mama na ipagluto tayo," sinadya ko itong ipinarinig kay Benj.

Gusto kong ipakita rito kung sino talaga ang nawalan. Hindi ito para sa akin kundi para kay Rain. Ayokong akuin niya ang kasalanan kung bakit ako nasasaktan. Partly may mali siya, pero kahit saan anggulo tingnan, kay Benj nagsimula ang lahat.

"Uuwi ako," walang emosyon niyang sabi.

I covertly squeezed her arm, urging her to go along with what I said. Bumagsak ang tingin niya sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa kanya.

"Anything is fine with me."

Nakangiti ko siyang binitiwan saka ko muling tiningnan si Benj.

Nagsalubong ang itim na itim na kilay ni Benj, madilim ang tingin sa akin. "Are you friends now?"

"It shouldn't bother you if we're friends," Rain said bluntly.

Umawang ang bibig ni Benj. May natawa ring pasahero pero hindi ko alam kung iyong nasa dulo malapit sa pagpasok o ang katabi nito.

Raindrops on FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon