Kabanata 1 : Ang Pagsabog ng mga Tala

899 43 12
                                    


Karugtong ng Infinity 

........


Infinity Season 2


Kabanata 1 : Ang Pagsabog ng mga Tala

Kinabukasan

Bayan ng Heather Island


"Anong ginagawa natin dito?" sabi ni Maine sa kaibigan nitong si Cedie.

"Maghahanap ng accessories." sabi ni Cedie.


"Para saan?"
sabi ni Maine.

"Para sa party mamayang gabi." sabi ni Cedie

Napahinto sa paglalakad si Maine nasa bayan sila ng araw na iyon ni Cedie, alas sais y media pa lang ng umaga kaya wala pang masyadoang tao sa palengke ng bayan na iyon.

"Pinuntahan mo ako ng maaga sa bahay, ginising ako pinagmadali mag-almusal tapos bibili lang tayo ng accessories para sayo mamayang gabi?" sabi ni Maine

Napahinto rin sa paglalakad si Cedie saka tumingin kay Maine.

"Para sa atin." sabi ni Cedie.


"Cedie, hindi ako dadalo. Sabado ngayon at marami akong gagawin sa bahay."
sabi ni Maine.

"May bukas pa naman." sabi ni Cedie

"Busy ako magrereview pa ako para sa peridocal test." sabi ni Maine.


"Sa huwebes pa naman ang exam."
sabi ni Cedie.

"Kahit na, alam mong hindi ako nagrereview na kinabukasan ang test." sabi ni Maine.

"Okay, samahan mo na lang ako." sabi ni Cedie

Napatingin si Maine sa kaibigan, nag-iisang anak ito at itinuring siyang kapatid. BFF sila at iyon ang tawag ng lahat sa kanila. Mula ng tumuntong sila ng paaralan noong kinder magkasama na sila siguro dahil pareho sila ng height at magkasunod ang apelyedo nila.

"Okay Cedie." nakangising sabi ni Maine.

Napangiti si Cedie sa kaibigan sa binanggit na pangalan. Cedie ang tawag nito sa kanya dahil paborito nito ang palabas na Cedie at siya naman Maine ang tinawag sa kaibigan kahit hindi iyon pangalan nito na na-adopt ng lahat ng kaklase nila ang mga pangalan nila o tawagan sa isa't isa.

"Maine, gusto ko nakaribbon ako sa ulo ko." sabi ni Cedie.

Napangiti si Maine, dahil kahit binansagan niya itong Cedie babaeng babae ang kaibigan katunayan ang pangalan na Maine ang gustong pangalan ni Cedie na ibinigay sa kanya nito.

"Okay, maghanap na tayo." sabi ni Maine.

.......................

Samantalang kanina pa naglalakad sa bayan ang sixtuplets ng yayain ito ni Otto pumunta roon.

"Anong ginagawa natin dito?" humihikab pang sabi ni Laszlo kay Otto ng yayain sila nito sa bayan.

"Bibili ng brief." natawang sabi ni Otto.

"Hahaha! Bakit ka bibili may brief ka pa sa bahay." sabi ni Viggo sa kapatid na natawa dahil kanina pa sila nagtatanong kung anong balak nito sa bayan na ngayon lang ni Otto sinabi.

Gen 4 Part 2 Infinity 2 : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon