Chapter 16

146K 2.1K 214
                                    

Selena's POV

May pasok nanaman ngayon pero sabay na kami ni perv. 8am ang klase ko tas 10am pa yung kanya. Tatambay na lang daw siya dun. Masyado niya kong mahal kaya ganyan.

“Anong oras uwi mo?” Tanong niya naman.

“2pm lang pero mag m-mall kami ni Sabrina.”

 

 

“Sige. Itext mo ko pag-uuwi ka na. May practice pa kasi kami. Next week na yung game namin.”

“A’right. Sino kalaban niyo?”

 

 

“Di ko alam. Wala akong pake. Oh. Tara na.” Lumabas na ko at nag diretso kami sa room ko. ihahatid daw niya ko. Nakahawak lang siya sa kamay ko para daw walang makiki-ligaw sakin. Bwisit! Habang naglalakad kami sa hallway, may babaeng nakatingin samin. I don’t know who is she but, she’s looking at us.. Uh.. at me? Na parang galit na galit siya. Humigpit naman yung hawak sakin ni Clyde. Nakatingin lang din siya dun sa babae. Ba’t parang nasaktan ako sa way ng pagtingin ni Clyde sa kanya? Alam niyo yung parang may something sa kanila. Ganun.

Lalakad na sana kami paalis ni Clyde pero biglang tumumba yung babae. I don’t know pero parang nag kunwari lang siyang natumba..The next thing I know, wala na si Clyde sa tabi ko. Buhat-buhat na kasi niya yung babae. Ba’t parang ang sakit sakit ata?

“Clyde..” Hindi ko alam kung ba’t ko siya tinawag. Ang alam ko gusto kong iwanan niya yung babae at bumalik ulit sakin. Ugh! Nagiging madrama na ko. Hindi ako ganito. 

“Selena, mauna ka na. Dadalin ko lang sa clinic si Trixie.” So Trixie pa lang ang pangalan niya. Sino ba siya at ganun na lang mag-alala si Clyde sa kanya?

“A-akala ko ihahatid mo ko? Clyde..” Ewan ko pero iba yung mga tingin ni Clyde sakin. Yung tipong naiinis, naasar siya sakin.

“Mauna ka na. Hindi na kita maihahatid.” I don’t know pero ibang-iba siya sa Clyde na kilala ko.

“P-pero Cly—“

 

 

“For Pete’s sake, Selena, will you do as you’re told for once in your life and go!” Para naman akong binuhusan ng yelo sa kinatatayuan ko. Nagising ako sa realidad na hindi ako yung dating Selena. Kaya tumalikod na ko sa kanila. Hindi ako iiyak dahil ako si Selena. Maganda at mayaman.

Imbis na dumiretso ako sa room sa CR ako pumunta. Tinitigan ko lang yung sarili ko. Ibang-iba na ko sa dating Selena. Yung Selena na masama. Pero ngayon, unti-unti na kong nagbabago. Pero hindi ko mapigilang isipin yung Trixie na yun. Sino ba siya para mag-alala si Clyde sa kanya ng ganun-ganun na lang? Baket nagawa niyang ipagpalit ako sa babae na yun. Alam kong mababaw pero napaisip lang ako kung totoo ba lahat ng sinabi ni Clyde sakin. Yung mga pinakikita niya, Yung pangliligaw niya. Naisip ko lang, totoo kaya lahat ng yon? I gathered all my scattered thoughts. Enough, Selena. You’ve had enough. Lumabas na rin ako sa CR. Late na rin ako sa klase ko kaya hindi na ko tumuloy dun. Pumunta lang ako sa field. Naupo lang ako sa bench.

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon