[W.O.M] CHAPTER 8: TRAINING START!

5.3K 228 4
                                    

A S H E

"Let's do this. I'll help you."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

"A-anong--" di ko na naituloy kasi bigla siyang nagsalita.

"Di mo ba naintindihan?" tanong niya.

"Pero bakit? Diba sabi mo kapag nanalo ako?" sabi ko.

"Psh. Oo nga." sabi niya.

"Eh bakit? Sa pagkakaintindi ko sa nangyari hindi naman kami nanalo." sabi ko.

"Ang dami mong pang sinasabi. Ayaw mo ba?" sabi niya.

"Hindi naman sa ganon. T-talaga bang tutulungan mo ako?" sabi ko at tinanguan niya ako.

"Omg! Thank youu!" hindi ko napigilan ang tuwa ko at napayakap nalang sa kanya. Bigla akong napabitaw nang marealize ko ang ginawa ko.

"Ahm p-pasensya na." sabi ko.

"Pwede na ba tayong magsimula?" inis niyang tanong. Ang sungit talaga neto pero mabait din naman pala.

Tumango ako at tinawag niya si Yume gamit lang ang mga mata niya. Ibinaba ko na siya at sumunod na kaagad. Umupo muna ako sa may batuhan habang pinapanood ko sila. Inaayos niya muna sa tamang pwesto si Yume.

"Hindi sa lahat ng oras magagamit mo ang kapangyarihan mo. Syempre kailangan, marunong ka ding lumaban. Lumaban ng pisikal." sabi niya kay Yume nang seryoso.

Ewan ko ba pero nakikita ko talaga sa kanya 'yung Kiro na una kong na-meet.

"A-ang hirap..." sabi ni Yume kasi napipilipit na yung kamay niya.

"T-teka--" sabi ko pero di ko naituloy.

"Wag kang makialam kasi hindi naman siya mamamatay dito. Baka pasalamatan mo pa ako kapag makita mong magaling na 'to." sabi niya. Grabe naman masyadong bossy. Hmp. Sunget.

Maya-maya, nagulat nalang ako nang biglang lumapit sa akin si Yuri at umupo sa tabi ko. Napakaseryoso niya kung titingnan mo. Manang-mana sa amo.

"What?" tanong niya pero hindi siya nakatingin sa'kin. Nagitla naman ako.

"W-wala." sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. Nakakatakot siya.

"Unbelievable." biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Napabagsak ako ng isang beginner." sabi niya. Grabe naman 'to kung maka-beginner.

"Pero hanga ako sa lakas niya. Napabilib niya ako kanina." sabi niya. Ako nga rin eh di ako makapaniwala.

"Tsaka ngayon lang ako naka-encounter ng kakaibang lakas. Naramdaman ko na 'yun kanina nung kaharap ko palang siya. Marami pa siyang nakatagong kakayahan na dapat tuklasin." sabi niya.

"Kaya ba tinulungan niya ako?" tanong ko.

"Oo. Matagal ka na niyang gustong tulungan." sabi niya. M-matagal?

"Yuri." nabigla naman ako dahil nasa harap na pala namin si Kiro. Bigla-bigla namang 'tong sumusulpot at nagsasalita.

Nakatingin lang sila sa isa't-isa na para bang nag-uusap ang mga isip nila. Napatingin ako kay Yuri nang bigla siyang tumango.

"Your turn." sabi ni Kiro sa kanya at tumayo sa siya. Tumabi naman sa akin si Yume.

"Ano kamusta? Masakit ba? Ang harsh niya naman magturo." sabi ko.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon