Kabanata 22 : Tatlong Tali

353 37 6
                                    

Kabanata 22 : Tatlong Tali

Days later

Chad, Central Africa

Chad, Central Africa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kanina pa tahimik ang grupo, kagabi lang sila dumating at ngayong araw ang itinakdang kasal ni Rollo.

"Grabe, hindi ako sanay pakiramdam ko nasa panganib tayo. Iyong tipo ang isang paa nasa hukay.." bulong ni Laszlo sa mga kapatid.

Nasa venue na ang lahat at kung susumahin ang pamilya ni Jedenn ang nag-asikaso at nagprepara ng lahat para sa kasal na hindi nila akalain na ganoon kadali sa pamilya nito maghanda at magpakasal sa bansang iyon.

Ang bansang Chad na nasa Central Africa ang isa sa mga bansang pinapayagan magpakasal sa murang gulang ang babae at lalaki. Kaya naman naroroon lahat ang grupo para sa araw ng pagpapakasal ni Rollo kay Jedenn kung saan nasa menor de edad ang dalawa.

"Okay ka lang?" tanong ni Otto kay Rollo na kanina pa walang imik

"Oo." tipid sabi ni Rollo.

Napahingang malalim si Rollo hindi niya inaasahan na hanggang ngayon na ikakasal na siya at sa bansang ngayon lang niya napuntahan. Isang panaginip o tila bangungot nga ang magaganap dahil biglaan ang lahat.

"Relax ka lang 'tol after nito single ka na naman uli." sabi ni Viggo na ikinatango lang ni Rollo.

"Huwag kang magbabago kasal lang 'yan at tandaan mo may tournament pa tayo kaya ipokos mo ang sarili mo." sabi ni Ezio na ikinatango lang muli ni Rollo.

"Naririto na sila." sabi ni Shiloh habang kanina pa nito tinitingnan si Peso na nasa grupo ng mga babae.

"Maghanda na tayo." sabi ni Laszlo habang ang ibang pinsan nila ay nasa nakapuwesto na.

.................

"Naunahan ka pa ni Rollo magpakasal Burn." sabi ni Brook kay Burn.

"Hindi naman ako nagmamadali dahil ayaw pa rin naman ni Numa." sabi ni Burn.

"Sa daming akay ni Numa, baka ang sixtuplets makasal na lahat kayo ni Numa hindi pa rin." sabi ni Camilo.

"Or worst 'tol baka maikasal na ang lahat ng lalaki sa grupo pero si Burn naghihintay pa rin kung kailan mahihinto si Numa sa trabaho nito bilang breadwinner." sabi ni Brook na ikinatingin ni Burn kay Numa.

Napahingang malalim si Burn, kung tutuusin hindi dapat kasama si Numa dahil may trabaho ito. Tatlong araw kasi ang ilalagi nila sa bansang Chad.

Napatingin si Aidan kay Burn, ng mapailing ito dahil hindi dapat sasama si Burn kahit na itakwil ito dahil hindi kasama si Numa. Pero bilib siya sa pinsan dahil nasunod na naman ang gusto nito ng kausapin ng Papa nitong si Autumn ang management na pinagtatrabahuan ni Numa na agad pumayag para sa leave ng dalaga.

Gen 4 Part 2 Infinity 2 : CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon