KABANATA XIV: Pangarap

266 110 1
                                    

NAPAHAWAK ako sa ulo ko na sumasakit habang pilit na iminumulat ang mga mata ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAPAHAWAK ako sa ulo ko na sumasakit habang pilit na iminumulat ang mga mata ko. Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit at parang hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.

Wala akong matandaan.

Hindi ako makagalaw.

Anong nangyayari?

Parang isang himala ang nangyari nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko. Himala ring naigagalaw ko na ulit ang katawan ko kaya lakas-loob akong tumayo kahit parang umiikot ang paningin ko.

Agad akong napatakip ng bibig dahil sa maasim na likido na umaakyat sa lalamunan ko. Oh my g! Nasusuka ako!

"Tabeee!" bulyaw ko kay Bebot na kakalabas lang galing sa banyo. Dali-dali akong pumasok doon at hindi ko na napigilan ang sarili kong sumuka. KADIRIII!!

Mas lalo akong nasusuka sa tuwing naamoy ko ang panis na alak na ininom namin kagabi dahil nagparamihan pa kami ng shot ni Emilio. Nagmumog pa ako at naghilamos para mahimasmasan ako pero hindi pa rin nawawala ang hilo ko. Kaya nagpasya akong maglakad pabalik ulit sa higaan pero muntik na akong matumba dahil sa mabilis na pagtakbo ni Emilio papuntang banyo and guess what....... Siya naman ang nagsuka! Mukhang pareho kaming napuruhan!

"Ouch! Araaay!" reklamo ko habang nakahawak sa ulo ko at hinahanap ang tamang pwesto ng ulo ko sa unan para mabawasan ang hilo ko. Samantalang nasa tabi ko rin si Liyong at masakit rin ang ulo niya. Wala na rin kaming pakialam kung magkatabi kami ngayon dahil parang sakit yata sa ulo ang papatay sa aming dalawa.

"Magaling, magaling, magaling! Ang dalawang dakilang manginginom! Kahapon ay nagpapakasaya ngayon ay namimilipit sa sakit ng ulo? Hahaha!" natatawang pang-aasar ni Bebot na hindi ko namalayang kanina pa pala nasa tapat at nakapameywang kaya sinamaan namin siya ng tingin ni Liyong.

" Hoy tababoy! Anong ginagawa mo rito?" iritang tanong ni Emilio sa kanya at kibit-balikat namang tumugon si Bebot.

" Aba, eh ako lang naman ang nagbantay sa inyo buong magdamag! Pinapunta ako dito ni Nanang dahil inaayos pa ang silid na tinutuluyan ko kaya dito na muna ako dapat matutulog. Hatinggabi na nang nakarating ako rito at nagulat na lang ako dahil nadatnan kong bukas ang pinto. Ang mas malala pa, bukod sa napuno na ng alak ang mga sikmura ninyo ay nagawa niyo pang gumawa ng mga kalokohan. Mga pasaway talaga. Tsk. Tsk. Tsk. " paglalahad pa ni Bebot kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

" ANO?! " gulat at sabay naming sabi ni Liyong dahil pareho kaming hindi makapaniwala sa mga narinig namin.

" P-paanong---" halos hindi ko na mabuo ang sasabihin ko dahil sa gulat. Wait---ano bang ginawa namin kagabi? Bukod sa nag-shot kami buong magdamag? WALA AKONG MAALALA!

" A-ano pang ginawa namin?" tanong pa ni Liyong at napabuntong-hininga naman si Bebot at nakade-kwatrong umupo sa upuan.

"Talaga bang gusto niyong malaman?" nakangiti niyang sabi. Nagkatinginan pa kami ni Liyong tsaka nagsimula nang magkwento si Bebot.

Close your eyes, Hermosa ✔Where stories live. Discover now