[W.O.M] CHAPTER 9: MONSTER ENCOUNTER

4.8K 228 5
                                    

A S H E

"Ikaw ba yun?" tanong ko sa kanya.

Napadilat siya.

"Hindi ako yun." matipid niyang sagot at pumikit na ulit.

"Eh bak--" di ko na naituloy yung sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.

"Uulitin ko, hindi nga ako yun. Siya lang ba ang may karapatang magpangalan ng Kiro? Tsaka kasasabi mo lang ng mga katangian niya diba? Halatang-halata na hindi ako yun. Magkaiba kami ng ugali." inis na sabi niya.

Grabe naman galit agad? Defensive?

"Kalma. Nagtatanong lang po." sabi ko.

Oo nga naman bakit ko ba tinanong 'yun eh halatang-halata naman na hindi siya 'yun. Masama bang maging curious? Mas gusto ko pang makasama 'yung Kiro na mas una kong nakilala kesa ngayon. Ang sungit neto eh!

"Sana makita ko na siya para sa kanya nalang ako sasama." bulong ko.

"Bakit sinabi ko bang sumama ka sa'kin?" sabat niya. Hmp! Nakakainis ka talaga! Hindi ko na siya sinagot at nanahimik nalang.

"Maiba nga. Bakit ka nga pala nakamaskara?" tanong niya. Ah so siya naman ang curious ngayon? Bahala siya sa buhay niya.

"Pakialam mo ba?" sabi ko.

"Sungit mo. Nagtatanong lang naman eh." sabi niya.

"Back to you!" sabi ko sabay cross-arms. "Sino kaya ang mas masungit sa atin aber?" dugtong ko.

"Ikaw." sabi niya.

"Anong ako? Ikaw kaya." sabi ko.

"Anong ako? Ikaw kaya." sabi niya. Aba't inulit lang yung sinabi ko! Argh! Go to hell bwiset!

"Hmp!" ayoko na siyang patulan dahil baka magka-wrinkles pa ako. Tinalikuran ko siya at umupo malayo sa kanya.

"Asky-sama!" rinig kong tawag ni Yume kaya sinilip ko siya sa baba. "Anong ginagawa mo diyan?!" dugtong niya.

"Wala. Akala ko pa naman magiging maligaya ako dito sa taas. Itinaas lang pala ako dito para asarin." tumingin ako ng masama kay Kiro pagkasabi ko nun.

"Wala akong ginagawa ah." sabi niya. Oo na. Sa sobra mong walang ginagawa, inis na inis ako sayo.

"Bababa na ako." sabi ko sa kanya.

"Edi bumaba ka." sabi niya. Ah ganon. Itinaas mo ako tapos di mo ako tutulungan bumaba?

"Hindi po ako marunong bumaba." sabi ko.

"Kasalanan mo na yun." sabi niya.

Kiro! Gusto mo na bang mamatay ha?!

"Ibaba mo na ako! Putek! Bakit ka ba ganyan?! Sinabi ngang hindi ako marunong diba?! Anong klase ka--" di ko na naituloy kasi bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Wag kang maingay." sabi niya.

"Teka nga!" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa bibig ko.

"Naririnig mo ba yun?" tanong niya. Ang ano?

Pinakinggan kong mabuti. Oo nga, naririnig ko na. Parang tunog ng bumbero na palakas ng palakas. Masakit sa tenga.

"Oo ano ba yun?!" tanong ko sa kanya habang nakatakip ako sa tenga ko.

"Hindi ako sigurado. Masama ang kutob ko." sabi niya tapos hinawakan niya ako sa bewang at bumaba na kami. Pagkababa namin, biglang naging pula ang paligid.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon