p r o t e c t i o n 33

722 32 3
                                    

At dahil nga nag flashback na ako last chapter, kaya ito na.

Umalis na ang parents ni Steph at pati na rin si Josiah. Bumaba na si Steph dahil nagutom siya bigla, nakita niyang naka-upo si Josiah sa couch at may ka text ito.

Alam na yata ni Steph kung sino ang katext nito, malamang edi sino pa? Ang GIRLFRIEND niya lang naman.

"Josiah." Tawag ni Steph kay Josiah

Tiningnan lang siya ng binate at naghihintay lang ito sa susunod na sasabihin ni Steph.

"Kailan mo daw yan hihiwalayan, k-kasi buntis ako, tapos"

"Wala na kami." Mahinang sabi ni Josiah

"What?!" bulalas ni Steph at tumabi ito kay Josiah.

"Yes. Wala na kami." Kalmadong sabi ni Josiah.

"Ganun? Sige halika." Tumayo si Steph at hinintay niyang tumayo rin si Josiah pero tiningnan lang siya nito.

Agad na hinila ni Steph si Josiah at lumabas na sila ng condo unit.

"Saan ba tayo?" nagtatakang tanong ng binate

"Kakain sa labas, nagugutom ako. Libre mo." Dire-diretsong sabi ni Stephanie habang pinipindot ang mga numero para sila ay makakababa na.

Tahimik lang sila sa loob,

At ang naiisip lang naman nilang dalawa ay yung may nangyari sa kanila dito sa elevator.

"NO."sabay nilang sabi

Nainis yata sila sa narrator, mwehehehehe. XD

Hinila pa rin ni Steph si Josiah at nagtungo sa parking lot na nasa labas ng building.

Pumasok sila kaagad dahil maginaw. At naka pajama lang itong si Steph, teka nawala yata ang fashion sense ng isang to? Anyare sa kanya?

At si Josiah naman ay nakaporma pa.

"Saan tayo?"tanong ni Josiah at hindi lang umimik si Steph.

"Saan nga." Inis na sabi ni Josiah

"Aba bwisit Josiah ha? Nag-iisip pa ako!" sigaw ni Steph, di na sumagot pa si Josiah dahil alam niyang matatalo lang siya sa usapan.

Tahimik ulit at bigla nalang pinaandar ni Josiah at umalis na nga sila. Nakaabot sila sa isang karenderya na malapit lang sa kanto kaya napanga-nga naman itong si Steph at wala yatang planong bumaba.

"Ano?" tanong ni Josiah

"Why are we here?" tanong ni Steph

Nasa loob pa rin sila ng sasakyan at hinihintay lang ni Josiah na lumabas siya.

"Ayaw mong sumagot kaya dinala kita dito." Kalmadong sabi ni Josiah

"Nananadya ka ba?!" inis na sabi ni Steph

"Nope. I have no intention at all. Trust me, masarap dito."

Nakatingin pa rin si Stephanie sa labas, gabi na kasi at alam niyang malamig na ang ulam na sineserve, ayaw niya kasi sa malamig na ulam, arte niya kasi.

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon