KARA'S POV~
Huling araw na namin para mag-review kasi bukas ng hapon na ang contest namin. Sa morning kasi preparation and arrival pa ng judges and other contestants since malawakan nga tong competition nato.
Marami narin akong na-stock sa utak ko. pasalamat talaga ako sa Panginoon kasi kahit na maingay si Sky kung mag-aral at least may natutunan parin ako.
"a-ano Mr. Vil—"
"(glares)"
Ang sama agad ng tingin hindi pa nga ako nakatapos sa sasabihin ko
"w-wala pala" sabi ko nalang.
Haay. Gusto ko sanang mag-question and answer kami para ma-test kung hanggang saan ang na-retain namin sa binasa namin. Pero wag nalang kasi as usual ang sama parin ng aura nya pag kaharap ako.
Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa at medyo nahila ko yung libro papunta sa akin.
Hinila naman nya yung kabilang side kaya nahirapan akong magbasa.
Inayos ko ng konti yung libro para patas na kami at makabasa rin ako ng maayos kas—-
"ano ba?!" sabi nya sabay hampas sa mesa.
Kahit na sa library kami ngayon, talagang hindi sya nagpapigil sa pagsigaw.
"a-ah s-sorry kasi hindi ko makita yung sulat—-"
"I don't care! Kasalanan ko bang malabo yang mata mo ha?!"
"ssshh~" saway nung librarian, pero tiningnan lang sya ng masama ni Sky at tumahimik nalang yung librarian.
As expected sa isang anak ng may-ari ng paaralang to.
Tumahimik nalang din ako.
——
SKY'S POV~
Kanina pa ako —- no. Erase that.
Kagabi pa ako bad mood.
Bakit?
Because for the third time, I failed again.
Bakit ba ayaw nyang magpakita sa akin?
Kailangan ko pa bang maghintay ng linggo para makita ko sya?
Kailangan ko pa bang pumunta ng simbahan para lang magkaroon ng 'serendipity' sa aming dalawa?
T**g*na.
I wanna see her badly. Para mabuhayan ako ng loob. Kasi naman these past days, itong nakakabwisit, nakakairita, nakakaumay, nakaka-agh! Na manang Nerd nato ang palagi ko nalang kaharap!
Bad mood na nga ako, dinagdagan pa ng nerd nato kaya ayun sabog!
Hindi ko napanatili ang good-boy image ko sa librariang to.
Pesteng babaeng to talaga!
Tumahimik naman sya. Siguro na-realize nya na nanggagalaiti na ako sa inis at konti nalang talaga at mababasag ko na yang salamin nya.
Nag-try na rin akong mag-concentrate sa pag-aaral. Tinry kong iwala sa isip ko si Karen.
Ilang minuto lang..
"agh! What have you done Karen?!" sabay gulo ko sa buhok ko
"h-huh?"
"kinakausap ba kita?"
"a-ah hindi..may sinabi ka kasi bigla kaya—"
"at sa tingin mo ikaw tinutukoy ko? assuming ka rin alam mo yun?"
YOU ARE READING
Hide 'n Seek
Teen FictionPERSONAL DATA Name: Kathy Rain Borromeo Self-description: NPD (no permanent description) Talent: Acting Special Skill : HIDING Why is she hiding anyway? ------------------------------ Love Story po ito. LOVE STORY. Wala pong Horror scene dito. Paki...
