Chapter 17

140K 2K 262
                                    

Selena's POV

At dahil nga ako si Selena, hindi ako dapat ang kawawa dito. Pumunta na ko sa next subj. ko. Pagpasok ko nakatingin lang sila sakin. 

“FRIEND!” Sigaw ni Sabrina. Sino pa nga ba? Tss.

 

“Oh?”

 

 

“Hinahanap ka kanina ni Clyde.” Himala. Akala ko nagpakamatay na sila nung Trixie pusit eh. Tss.

 

“Wala akong pake. Alis. Matutulog ako.”

 

 

“Bawal! Ano ka ba naman! Kwento mo na kasi sakin.”

 

 

“Wala akong gana. Isa pa, sayang laway ko. Asa sila.”

 

 

“Napaka mo namang babae ka. Dali na.” At dahil hindi ako titigilan kwinento ko na sa kanya. Sarap i-stapler ng bibig eh. Ang daldal.

“What?! Si Trixie nanaman?! Letche talaga yung bruha na yun!” Oo. Kilala niya si Trixie. Pakialam ko? Tss.

“Hayaan mo na. Kung dun masaya yung manyak na yun, edi dun siya. Ay joke lang pala. Ako ang bida sa storya na’to kaya akin dapat si Clyde. Asar! Malalagot talaga sakin yung pusit na yon!” Sabi ko. Pero chill lang. Sayang naman yung ganda ko. Wag kayong feeler dyan na ngangawa o iiyak lang ako sa storya na’to. No. Not Selena.

“Tama yan friendship! Omg. I wanna see kung pano magmaldita ang kaluluwa ni Selena. Omg!” Tuwang-tuwa naman ‘tong isa na’to. Baka gusto niyang siya una kong sampolan. Tss.

“Oh mamaya ka na magbunyi. Matutulog muna ko para may lakas ako pag pinatay ko na yung pusit. At ikaw, makinig ka sa prof. ng hindi ka nganga dyan. Mga imbyerna kayo!” Sabi ko sabay dukdok ng ulo ko sa arm chair.

“Napaka-walangya mo talaga!” Inis na sabi ni Sab. Masanay na siya dahil wala akong planong makipaglaro ng bait-baitan kahit kanino.

Clyde's POV

 

Dinala ko lang sa clinic si Trixie. Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko nung nakita ko siyang natumba. Ang alam ko lang, kailangan niya ko. Nasigawan ko pa si Selena. Ang tigas kasi ng ulo niya. Napaka-stubborn. Nakakainis. Pero ba’t parang nasaktan ako nung nakita ko siyang tumalikod at umalis? Uh. Pakamatay ka na Clyde. Nandito pa rin ako sa clinic tulog pa kasi si Trixie..

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon