Chapter 70

824 26 0
                                    

LUDO POV

Kanina kopa pinagmamasdan ang dalawang taong masayang nag-uusap sa labas nang bahay.

Mukhang masaya ang babae sa kanyang mga ikinukwento,ang lalaki naman ay makikita mong interesado sa kanyang mga naririnig.

Ngayon ko lamang nakita ang aking asawa na may ganoong reaksyon.

Ang kanyang mga mata ay maamong nakatingin sa babae animo'y isa itong babasaging bagay na kailangan ingatan.

Ang kanyang mga ikinikilos ay kakaiba,naging malamig ito sa akin.

Nang magsawa na ako sa paninitig sa kanila ay naisapan ko nalang na bumaba sa aking silid na tinutuluyan.

Dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Nanay Sol na may bitbit na bayong akmang aalis na ito nang patakbo akong lumapit dito.

"Magandang umaga po'nanay sol,saan ang punta niyo?

"Magandang umaga din sayo senyorita,pupunta ako sa palengke kailangan ko nang mamili paubos na pala ang mga stock niyo sa bahay."nagsasalita ito habang nakatingin sa papel na hawak nito.

"Maari ba akong sumama?"inosenteng tanong ko dito,at matipid na ngumuti.

"Nako,senyorita baka magalit si senyorito kapag isinama kita."

Napaisip ako sa sinabi nito,mukha namang abala ito sa ibang babae kaya hindi naman siguro ito magagalit kung sasama ako papuntang palengke.

"Huwag po kayong mag-alala nanay sol,abala naman ito sa ibang bagay."ngumiti ako ng malawak dito upang hindi mapansin ang lungkot na aking nararamdaman.

"O siya sige,aalis na tayo at nagmamadali ang iyong tatay fidel may dadaanan pa kasi siyang kaibigan sa kabilang isla."

Mabilis akong lumapit dito at kinuha ang hawak na bayong,numiti nalang ito sa aking naging kilos.

Pagkadating sa bangkang aming sasakyan ay nagulat pa si tatay fidel sa akin.

"Senyorita,sigurado po ba kayo na ayos lang kay senyorito na sumama ka?

"Opo tatay fidel".napakagat na lang ako sa aking labi,hindi ako sanay magsinunggaling,pero sa tingin ko ay ayos lang dito na sumama ako sa mag-asawa,hindi rin naman ako nito kinakausap.

------

Nang makarating na kami sa kabilang isla ay naglakad kami papunta sa sakayan ng tricycle.

Habang naglalakad ay napapansin kong marami ang nakatingin sa amin o tamang sabihin sa akin.

Lahat sila ay nakatingin sa akin,naiilang naman ako sa kanilang mga tingin kaya pasimple akong nagtago kay nanay sol na abala parin sa papel na hawak.

May humintong tricycle sa aming harapan pinasakay ako ni nanay sol sa loob nito,sinabi niya ang direksyon ng  aming pupuntahan bago ito sumunod na sumakay.

Naging malubak ang aming dinadaan,medyo sira-sira narin ang daan na aming dinadaanan,marami ding mga bahay na tagpi-tagpi lamang.

Ang mga bata ay nasa gilid ng daan at masayang naglalaro,napatingin naman ako sa kabilang dako at doon ko napansin ang mga mangingisda na abala sa mga isdang kanilang mga nahuli.

Nang makarating na kami sa pamilihan ay naunang bumaba si nanay sol sa tricycle at sumunod ako dito.


"Senyorita,humawak ka lang sa akin medyo maraming tao ngayon dito at maingay sa paligid."

"Ayos lang po nanay sol,sanay narin ako sa ganitong lugar."nakangiti kong sinabi dito.

Inakay ako nito papalakad at sabay kaming namimili ng mga sariwang mga gulay at isda.

"Sol,kamusta kana?may babaeng kasing edad nito ang lumapit sa aming harapan,mukhang kakilala ito ni nanay sol at naging abala ito dito.



"Maayos lang naman,kamusta ka kayo ni nestor?

"Heto sumasakit ang ulo namin sa aming anak na babae,buti pa ang anak mong si mira balitang may kasintahang mayaman."

Napatingin si nanay sol sa akin,at tipid ko naman itong ningitian.

Nakita ko kung paano niya hilahin ang babaeng kausap nito,lumayo sila sa akin at doon sila nag-usap.


Naging abala na ito sa kanyang kausap kaya nakalimutan na niya ang aking  presensya.



Kaya naisipan kong maglakad lakad na muna.

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon