Chapter 71

809 31 0
                                    

LUDO POV

Sa aking paglalakad ay hindi ko napansin na napalayo na pala ako sa pamilihan.

Napadpad ako sa isang lugar na tahimik pero napakaganda ng tanawin may mangilan-ngilan din mga bata at matatanda ang makikita mong naglalakad.

Huminto muna ako at umupo sa isang mahabang upuan ng makaramdam ako ng pananakit ng paa.

May mga katabi akong mga babaeng hindi nalalayo sa aking edad,abala sila sa kanilang telepano na hawak.

"Tignan mo si Mira,nag post nanaman na kasama niya ang kanyang nobyo,napaka swerte naman niya napaka yummy at balitang mayaman daw ito."

Dala ng kuryosidad ay palihim akong tumingin sa hawak na telepano nito at doon ko nakita ang larawan ng aking asawa at si Mira .

May hawak na tinapay si Mira sa kanyang kamay habang ang aking asawa ay may ngiti itong nakatingin dito.

Muli ko naman naramdaman ang sakit sa aking dibdib.

"At nabalitaan ko na buntis daw ito,at ang lalaking ito ang ama."

Dahil sa narinig ay naghihina akong tumayo,naglakad ako palayo.

Ayoko nang makarinig ng mga bagay na alam kong hindi totoo.

At dahil sa nakayuko akong naglalakad ay hindi ko napansin ang taong tumatakbo.

Tumama ang aking balikat dito,at dahil sa lakas ng pagkakatama ay pareho kaming nawalan ng balanse.

Hindi sinasadyang nadikit ang aking labi dito,tulala lamang akong nakatingin dito habang siya ay parang naestatwa.

Nang mahimasmasan ay sabay kaming nagulat sa nangyari,mabilis ko itong itunulak at mabilis na tumayo.

Nang tignan ko ito ay nagulat ako sa aking nakita.


"What are you doing here?



Ang lalaking nakahalikan ko ng hindi sinasadya ay walang iba kundi si EROS DEL FUEGO ang lalaking kaaway ni Azriel.

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon