Chapter 78

824 33 1
                                    

LUDO POV




Mabilis akong tumayo sa pagkakahiga sa tabi ng pintuan,dumiretso ako sa loob ng c.r at doon ay nagduduwal.

Nahihilo ako,naalala kong hindi pa pala ako kumakain simula kahapon.

Kaya naman ng mahimasmasan ay tuluyan na akong bumaba upang makakain,madilim pa sa paligid pagka-tingin ko sa orasan na nakasabit sa dingding ay nakita kong alas singko ng madaling araw na.

Nagluto lang ako ng pritong itlog,iyon kasi ang gusto kong kainin at madaming ketchup na sawsawan.

Masaya akong kumakain ng may umupo sa aking harapan.

Nakita ko ang taksil kong asawa,nakatingin ito sa akin.

Hindi ko ito pinansin,pinagtuunan ko lang ng pansin ang aking pagkain.

Bahala siya sa buhay niya.

"Sa susunod wag kang nagpapalipas ng gutom."nagsalita ito ng wikang tagalog.


Pero wala akong pakialam.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain.

Mariin itong nakatingin sa akin,pero kalaunan ay tumayo na ito.

Bago ito makalayo sa akin ay may pahabol akong tinanong dito.


"Maari na ba akong umuwi sa nayon?

Tumingin ito sa akin.

"No"tipid na sagot nito.


"Gusto ko nang umuwi,nakita ko kayo kagabi naghahalikan,gusto kong itanong kung ano ang rason kung bakit pa ako narito?

Lumingon ito sa akin,nakita ko ang pagbabgo ng kanyang emosyon.


"Mira is pregnant, she will carry my heir."naghina ako sa narinig kaya naman nabitiwan ko ang aking hawak na kubyertos.Papaanong nangyari iyon?




"Pa-paano ako Azriel?
Ano ang magiging papel ko sa buhay mo?

"You're my wife,that's why you stay by my side."at tuluyan na nga itong umalis.





Nawalan ako ng ganang kumain kaya itinigil ko na ito,buntis si Mira.

Papaanong nangyari iyon?

Simula ng pumunta kami sa Islang ito ay lagi kaming magkasama ni Azriel kaya papaanong nabuntis niya si Mira.






Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon