Chapter 79

842 30 5
                                    

LUDO POV

Sa ginawang duyan ni Azriel ako nagpalipas ng oras.

Muling inalala ang mga masasayang alala-ala namin.

Kung gusto niyang manatili ako ay mananatili ako.

Magpapaka martir nalang ako,tatanggapin ko ang batang nasa sinapupunan ni Mira.

Nakaiglip ako sa sobrang pag-iisip.

--------

Lumipas ang mga araw na lagi kong nakikitang magkasabay kumain at nakikitang magkasama sa iisang kwarto ang dalawa.

Lahat ng sakit na aking nararamdam ay aking tinitiis.

Tahimik akong nakaupo nang lumapit si Mira sa akin.

"Hoy babae!sigaw niya sa akin,nagulat ako sa kanyang inasta.



Pagkakakilala ko sa kanya ay isa siyang babaeng mahinhin.

"Kelan kaba aalis dito,alam mo bang naiirita na ako sa pagmumukha mo."





"Tinanong ko na si Azriel tungkol sa bagay na iyan,pero tumanggi siya na umalis ako.
Kung gusto mo naman ikaw nalang ang kumausap sa kanya."mahinahon na sagot ko dito.


"Aba pilingera ka din  ano?

Nagtaka ako sa biglang pagtaas ng boses nito.

"Kung ako sayo ay umalis kana."

"Hindi ikaw ang magdedesisyon dito Mira,asawa parin ako ni Azriel nabuntis ka lang."dahil sa inis ay nasagot ko ito,bigla itong tumahimik kaya naman naisipang kong talikuran nalang ito.

Aalis na sana ako ng hilahin niya ang aking buhok.

"Walanghiya kang babae ka,isa kang malaking balakid."wala parin itong tigil sa pananakit sa akin.

Hindi ako gumanti dahil alam kong nagdadalang tao ito.

Pinipilit ko nalang alisin ang mga kamay niya sa aking buhok.

May narinig kaming mga yapak ng paa kaya naman lumuwang ang pagkakahawak nito sa aking buhok,ginawa ko iyong pagkakataon upang maitulak ko ito ng mahina,pero sa hindi inaasahan ay napalakas ito.

Natumba ito at namilipit sa sakit.

"Ahhhhhh".....malakas na sigaw nito.

"What's going on here?malakas na boses na tanong ng bagong dating na si Azriel.

"Azi,ang baby natin."daing ni Mira.

"Papatayin niya ang baby natin."umiiyak na sumbong nito.

Pansin ko din ang dugong tumutulo sa sa mga binti nito.

"Hi-hindi totoo iyan."pagtanggi ko.

Tinabig ako ni Azriel kaya naman nawalan ako ng balanse,nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan.

Lumapit ito kay Mira at binuhat ito,bago ito tuluyang umalis ay pinagbantaan muna ako nito.

"Kapag may nangyari sa anak ko hindi kita mapapatawad,just be ready!wag ka munang magpapakita sa akin baka mapatay kita! At tuluyan na itong umalis.

Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng takot dito.

Pinipilit kong tumayo,pero namimilipit ako sa sakit.

"Ahhhhh ina"

Naramdam ko din ang likidong tumutulo sa aking mga binti,natakot ako bigla.



"Doll"humahagos na takbo ni Eros.

"Tu-tulungan mo ako pakiusap."
at tuluyan ng nilamon ng dilim ang akin diwa.








Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon