Chapter 80

856 37 8
                                    

LUDO POV

"The baby is okay sir,ang maipapayo ko lang sa inyo ay ingatan niyong mabuti ang asawa niyo,huwag na huwag niyo siyang hahayaan magkikilos."


Nagising ako dahil sa naririnig kong boses.

Pagmulat ko sa aking mga mata ay tumambad ang puting kisame.

Lumingon ako sa pinanggaling  ng boses na aking narinig,doon ay nakita ko ang papalayong pigura ng taong may suot na kulay puting damit.

Nakita ko si Eros na tulalang nakatayo.

Lumingon ito sa aking gawi,ng makitang ako'y gising  lumapit ito sa akin.

"You awake,how are you doll?

Hindi ko mapigilang lumuha pagkarinig sa malunay na boses niya,mababanaag mo sa kanyang itsura ang totoong pag-aalala dito.

"Please don't cry,I'm hurting."

Bakit ganito ang pagtrato niya sa akin?

Napakabait niya sa akin,samantala ang aking asawa ay galit na galit.

Mas lalo akong napahagulgol ng maalala ko ang naging reaksyon niya kanina,galit na galit ito sa akin,nagawa pa niya akong pagbantaan.

"Don't cry my doll,It will harm your baby."

Napalingon ako sa aking narinig.

"A-anong i-ibig mong sabihin?

"Your pregnant,and that bastard is the father."

Natulala ako sa aking narinig,kailangan malaman ni Azriel ang pagdadalang tao ko,pero paano kung saktan niya ako?

Paano kung totohanin niya ang pagbabanta sa akin.


"E-eros"



"Doll"

"Gu-gusto kong makita si Azriel,ka-kailangan niyang malaman na buntis ako."

"Are you sure?Siya ang dahilan kung bakit nandiyan ka at muntik ng mawala ang batang nasa sinapupunan mo,at higit sa lahat may nabuntis siyang iba,tapos gusto mo pa siyang makita?
That bastard is very lucky!"lahat ng sinabi nito ay may katotohanan,pero kailangan malaman ni Azriel ang pagdadalangtao ko.

"Pakiusap,tulungan mo ako."at muling tumulo ang aking mga luha.

"Tssssskkkk...Ok fine,just don't cry hmm..."napipilitang sinabi nito.






--------

Bago umalis si Eros upang ipaalam kay Azriel ang aking lagay ay bumili muna ito ng maraming pagkain.

Tapos na akong kumain at tahimik  na naghihintay dito.

Dala narin ng pagka-inip ay naisipan kong tumayo.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan at dahan-dahan ko itong pinihit.

Tumambad sa akin ang tahimik na pasilyo.

Kahit saan ako lumingon ay wala akong makitang tao,kaya naisipan kong maglakad-lakad muna.

Sa aking paglalakad ay may nakita akong pamilyar na pigura,dahan-dahan ko itong nilapitan,akmang tatawagin ko na siya ng biglang lumabas si Azriel sa isang pribadong silid.

"Venom"tawag ni Alejandro dito.

"Have you seen her?tanong nito

"Hindi,pagkarating namin sa Isla ay wala na siya."

Ako ba ang hinahanap nila?

"Sigurado kaba sa gagawin mo?

"Wala na siyang pakinabang sa akin."

"Pero kasal kayo?hindi mo siya maaring basta nalang itapon sa isang tabi."

"Walang bisa ang aming kasal."

Parang nagunaw ang aking mundo sa aking narinig.

Walang bisa ang aming kasal,lahat ay puro kasinunggalingan lamang.

Lahat ng mga kabaitang ipinakita niya sa akin ay puro pagkukunwari lamang.

Nanlumo ako sa aking narinig.

Nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan,kaya naman napahawak ako dito.

"Anak,ang iyong ama ay isang manlolokong unggoy."bulong ko sa aking isipan.

Nakarinig ako ng mga yapak na paa sanhi na papaalis na sila.

Sumilip ako sa aking pinagtataguan,at doon ko nakita na wala na sila sa kanilang pwesto.



















Team Eros o Team Azriel😁✌️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon