Chapter 161

2.9K 82 35
                                    


Bahagya kong iginalaw ang aking ulo, dahan-dahan ko ding idinilat ang aking mga mata. Hanggang sa unang tumambad sa akin ay ang maamo at inosenteng mukha ng aking asawa na siyang ama ng bansa at ng mga kakambal ko, si Otis. Hindi pa ako nasiyahan, talagang hinarap ko pa ang katawan ko sa kaniya para mas lalo pa siya matitigan ng maayos. Kusa ding gumalaw ang isa kong kamay at dumapo ang mga daliri ko sa kaniyang pulang buhok. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mukhang malalim ang kaniyang tulog at wala akong palagay kung anong oras na ngayon. Malaking kaginhawaan sa kalooban ko nang mapag-usapan naming dalawa sa bagay ng mga panahon na wala ako sa kaniyang tabi. At naiitindihan ko na kung bakit bigla ako inaatake ng hindi karaniwang sakit sa oras na hinalikan at nagpakasal sa ibang lalaki. Mabuti nalang ay nabanggit sa akin ang iyon ng Calevi.

Tila nanumbalik ang aking ulirat nang biglang gumalaw si Otis na sa tingin ko ay magigising pa yata siya sa ginagawa ko. Dahil d'yan ay agad kong binawi ang aking kamay ngunit nanatili ang aking tingin sa kaniya. Inaabangan ko ang pagdilat ng kaniyang mga mata.

"My rose...?" namamaos niyang tawag sa akin habang kinukusot ang mga mata.

"Magandang umaga, my rose." hindi mabura ang ngiti sa aking mga labi nang batiin siya. "Maganda ba ang tulog mo?"

Tumingin siya sa akin na namumungay ang mga mata. "Sobra, my rose." saka ay binigyan niya ako ng mahigpit ng yakap. Mukhang hindi pa siya nakontento, talagang isiniksik pa niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking panga at leeg. Sa puntong ito ay parang takot siya na mawala o mapalingat ako sa kaniyang tabi. "Kanina ka pa ba gising?"

"Medyo..." sagot ko.

"Hindi mo ako ginising na gising ka na pala."

Medyo bumingisngis ako sa inakto niya. Kahit kailan talaga, ang cute mo! Hindi mo aakalain na magiging emperador ang isang ito! "Subalit kukunin ko ang magandang pagkakataon na ito upang matitigan ang maamo mong mukha, aking kamahalan."

Natigilan siya sa sinabi ko. Matindi siyang lumunok, kasabay na kusa na naman namumula ang magkabilang tainga niya. Hindi ko nga lang alam kung saang parte siya nahihiya. Sa tinagal na naming mag-asawa ay hindi pa rin siya sa mga banat ko. Kahit ganoon ay hindi pa rin nawawala na 'yon ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Pero nabigla ako sa sunod niyang ginawa---bigla siyang lumipat sa ibabaw ko! Awtomatikong nanlaki ang mga mata ko. Marahan niyang idinapo ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko, sabay na idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. "Panagutan mo ako, my rose." anas niya.

"H-ha...?" I looked puzzled.

Ako naman ang natigilan nang may naramdaman akong matigas na bagay sa aking tyan. Sabay kaming tumingin sa bahagi na 'yon. Oh no, don't tell me...

MAY FLAG CEREMONY NA MAGAGANAP NGAYONG UMAGA!?

"Otis..." mahina kong tawag sa kaniya.

Nag-uumpisa na siyang halik-halikan ang ilang parte ng aking mukha subalit nagsisimula na ding maglakbay ang kaniyang mga palad sa aking katawan. Okay, mukhang pagbibigyan ko na siya sa lagay na ito. Wala na, nakorner na niya ako sa lagay na ito.

"My rose..." anas niya muli sa aking pangalan.

Hindi ko magawang sagutin ang tawag nang marahan niyang sinakop ang aking mga labi. Pero sandali, hindi pa ako nakakapagtoothbrush o magmumog man lang!

"O-Otis..." sinubukan ko siyang pigilan muna ang kaniyang ginagawa ngunit tila wala siyang naririnig. Patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa.

Subalit biglang may malakas na tumadyak sa pinto ng kuwarto na kinalalagyan namin ni Otis. Marahas 'yon nagbukas. Sabay kaming napatingin doon. Nanlaki ang mga mata naming dalawa nang tumambad sa amin ang mga hindi inaasahan na bisita---at ang isa doon ay ang anak ni Mr. Ramael Black at Ma'm Bethany, si Lilith! Kasama nito ang dalawang lalaki na nakilala namin noong first meet up! Kasama din nila si Hyrus na naglakas-loob pang sumiplot sa bandang likuran nila!

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon