WA [DR] 26 - The Real Journey Starts

72.7K 2.2K 846
                                    

Tweet me @loys_dr with #WADR26. Your comments will be highly appreciated. Thank you!


WA 26 – The Real Journey Starts

I was fixing my things when the uneasy feeling clouded my whole being once again. It has been bugging me for the entire week. Everytime it comes back, the cringe and all thought comes back too. Matapos kong matanggap ang letter na 'yon, everything seems to be not in their proper places again. Pakiramdam ko, nag-iba ang ihip ng hangin pati ang ikot ng mundo ko. This scene is a total déjà vu. Nauulit ang panaginip ko.

"Are you sure? Wala ka na talagang naiwan?" Tanong ni Mama Ade.

Tinutulungan niya akong magligpit ng mga dadalhin ko. She even listed those things that I need for the class and such. May mga habilin rin siya sa mga dapat at hindi dapat gawin.

Hanggang ngayon, the thought of her not being with me, parang pinipiga ang puso ko sa lungkot. The dream affects my daily routine. Mama Ade was not there. Seeing her in one piece in front of me is another thing.

It's still crystal clear to me. Lahat ng nangyari simula umpisa hanggang sa... hanggang sa binawian ako ng buhay. Hanggang doon naalala ko pa. Why? Nananaginip naman ako, pero pagkagising ko nakakalimutan ko na. But that dream? That was a very stranger dream and a mysterious one. Hindi ko man isipin pero kusang pumapasok sa isip ko at hindi na umaalis. Lagi na lang akong nakatulala sa kakaisip. Sometimes, it gives me terrible headaches.

"Opo." Sagot ko.

Tumango lang siya at ibinaba ang dadalhin kong bag. "Naghihintay na sa baba ang pinsan mong si Lizbeth, kasama si Mama Esme mo." Sabi niya.

Esme... siya ang kinilala kong Mama sa panaginip ko. She was there when it all happened. Wala siyang anak o ni pamilya dahil namatay sila. But now? Everything seems to be... strange. Kabaliktaran ang lahat. She is Mama Ade's half-sister, pero maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa. Tatlo ang anak niya. Dalawa ang lalake at isa ang babae. Lizbeth Wiggins, matanda lang ako ng isang taon sa kanya.

May isang pangyayari sa panaginip ko na kailan man hindi nangyari sa akin sa realidad. Wala akong nasaktan o napatay. My Imaclum is cooperating with me. To be honest, it's not dangerous.. sort of. Fire Imaclum is rare, iyon ang sabi nila sa akin. I am blessed to have this Imaclum, yet I still have those possibilities. Pero hindi talaga. The night my Imaclum showed up, nothing happened. It was just a terrible headache. Pagkatapos, wala na.

Sabay kaming bumaba ni Mama sa hagdan. And there I saw Mama Esme and her daughter Liz happily chatting in the living room.

"Ate!" Masayang bati sa akin ni Liz. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya.

Umiling ako, "Sabi ko naman sayo, Nathalia na lang. Ina-ate mo pa ako." I said and gave her a smile.

Umirap siya, "No way. Kahit isang taon lang ang tanda mo sa akin, still, ate pa rin kita." Humarap siya kay Mama Ade, "Di ba po? Tsaka wala naman akong kapatid na babae kaya siya na lang."

Nagtawanan naman ang magkapatid, "Naku! Pagbigyan mo na lang si Liz. Alam mo naman walang babae sa bahay namin dahil puro barako ang nandoon. Isama mo pang palaging wala sa bahay ang mga kuya niya." Sabi ni Mama Esme.

Tumango na lang ako at inakbayan si Lizbeth. May dalawa pang nakakatandang kapatid si Liz, si Kuya Zed at Kuya Chip. Matagal na silang nakapagtapos sa Worthwood Academy. Ang pamilya ni Mama Esme ay puro taga Ugrukum Clan. Meaning... Sorcery ang Imaclum nila.

"Paano? Tayo na?" Masayang tanong ni Liz.

Alam kong excited na siyang pumasok sa Worthwood Academy. Matagal na niyang pangarap 'yon. Pero ako? Well... kinakabahan ako. Hindi ko masabi pero talagang may kakaiba akong pakiramdam kapag nababanggit ang Worthwood Academy.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon