intentionally shatters

607 13 0
                                    

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER FORTY-TWO
intentionally shatters
━━━━━━━━━━━━━━━━

"Aster, where are you?"

That's the first thing that Paris asked me via a recorded message. Ngayon lang kasi ako sumagot ng tawag at ang tawag niya lang din ang pinaunlakan kong sagutin mula sa halos isang linggo kong paglayo sakanilang lahat.

Halos isang libo na ang tawag sa'kin ni Gazer. Mayroon pa sa isang unknown number. At mga ilang daang load na rin ginasta ng kaibigan ko siguro para lang ma-contact nasaan ako.

Buti na lang at may extra akong simcard na sa pagkakaalam ko ay may VPN access at iyon ang ginamit ko para mag-text pabalik na ayos lang ako.

Ayokong mag-isip ng kahit na ano. Pagod na kong umiyak o magalit. Bahala na anong mangyayari.

Wala akong panahon para paunlakan ang tanong nila o kahit na anong tawag. Gusto kong mapag-isa. For once, I want to be alone and selfish. I don't want them to get worried about me kaya ko lang sinagot ang tanong ni Paris. Assuring them is the least thing I can do now.

After all, this is maybe the time for me to move on at once. To build walls to protect my peace, to enjoy solitude, and a few companies rather than live in the misery of the past. I just realized that some things won't go the way I wanted it to be and in order to move forward, I have to accept it sometimes. No matter how hard it was to swallow or no matter how huge of a problem it is, I only have myself at the end of the day and that's a sign for me to just go on despite everything.

Bumuntong-hininga ako. Tahimik lang ang paligid habang nakahiga ako sa may wood lounge chair na nakaharap sa dagat.

Dinadamdam ko ang hangin at ang konting init sa balat kong hindi natatakpan ng two-piece kong suot. Maaliwalas dito gawa na rin na puno siya ng pine trees at iba't-ibang klase ng puno sa likod. Asul din ang dagat pero mas asul ang kalangitan na punong-puno ng ulap.

Malumanay lang din ang tingin ko sa lakas ng hampas ng alon sa may daungan ng Glee Sands, a secluded private island where the only ones who can enter are those with the authority and pass.

"Glee Sands" lang din ang tawag dito, but for all I know, this island's is like a bigger version of Malcapuya Island and Coron, at may ibang pangalan pa 'to. Pagmamay-ari raw 'to ngayon isang former Russian Sergeant sabi ng karamihan pero wala pa 'atang may nakakakita sakanya.

May fifty years akong pass sa islang 'to because of Ashton. Sa pagkakaalala ko, dati ring naengganyo ako rito lalo na noong nakita ko siya sa mga brochure ng papatayuan ni Ashton ng maliit na villa at mukhang gagamitin ko na rin naman 'yung pass na 'yun hanggang mamatay ako rito dahil kahit kailan ay ayaw ko na magpakita sakanilang lahat.

After what I knew at the cafe, una kong tinawagan ay si Ashton. I didn't bother contacting my friends, nagkaroon ako ng doubts na kausapin sila dahil kung kinayang magsinungaling ng sarili kong pamilya sa'kin, ano na lang sila? They might be hiding something from me as well and I can feel it.

Ashton didn't get to help me because he has something to finish first, but he asked his parents to do it in his stead.

Nahiya pa ako nang sobra kina Tito at Tita pero wala na akong may sinabi kasi wala akong may matatakbuhan.

Boulevard to Polaris (Virago Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon