Bola 36

448 38 0
                                    


Bola 36

KILALA mo ba si Ricky Mendez?

Napahinto si Andrea nang marinig ang tanong na iyon mula kay Rich. Napatingin siya sa dalaga at nakita niya ang ngiti nito.

"R-ricky Mendez? K-kilala mo siya?" medyo nautal na tanong ni Andrea. Napalunok pa nga siya ng laway dahil kilala raw yata ni Rich ang lalaking iyon.

"I saw you kanina sa game. Nilapitan ka niya. Ang totoo kasi, nasa upper part lang ako ng kinauupuan mo," nakangiting sagot ni Rich. Parang umurong nga ang dila niyang sabihing kakilala niya ang binata at kanyang kaibigan ito.

Biglang nakaramdam ng init sa pisngi si Andrea nang marinig niya iyon. Nakaramdam siya ng hiya dahil nakakahiya nga naman ang nangyaring iyon dahil ipinagtinginan siya ng lahat dahil sa ginawa ng lalaking iyon. "Kasalanan mo itong mokong ka!"

"A-ah. Si M-mendez? K-kakilala ko siya! Y-yes!" natatawang-hindi na tugon ni Andrea at napatawa si Rich nang marinig iyon mula sa kanya.

"But you were cheering for him kanina?" Gusto ring gawin iyon ni Rich pero pinigilan na lang niya ang kanyang sarili kanina sa laro.

Ang tawa ni Andrea ay napalitan ng pagkagat sa labi at napangiti siya nang pilit kay Rich. Sigurado siyang nakita siya nito kaninang sumigaw para sa lalaking iyon. Napabuntong-hininga na nga lang siya at kumalma.

"A-ano kasi..."

"He's my ex-boyfriend. At the same time, I'm a fan ng mokong na iyon," sabi ni Andrea at napangiti siya lalo kay Rich na napapangiti rin sa kanya nang oras na iyon.

Nakita ni Rich ang kislap sa mga mata ni Andrea sa huli nitong sinabi. Ramdam niyang may nararamdaman pa rin ito kay Ricky.

"Ah... I see! Kaya pala ganoon ka ka-supportive?"

"No!" bulalas agad ni Andrea sabay segwey ng ibang topic.

"Shooting na tayo! Kaya mo naman sigurong mag-shoot ng bola? Shooter ka during those days na naglalaro ka. Alam ko iyon, kaya nga fan mo rin ako!" masiglang wika ni Andrea na pinatalbog agad ang bola at humarap sa basket.

Tumalon siya at nang nasa ere na siya ay pinakawalan niya ang bola. Ang kaliwang kamay niya ay nakaalalay lang habang ang kanan naman ang tumulak sa bola patungo sa basket. Napangiti nga si Rich nang pagmasdan ang shooting form ng dalaga. Maganda iyong pagmasdan at ang pagpulso nito ay swabe ring tingnan.

Ang bola ay pumasok sa basket at napasabi kaagad si Rich na ang galing daw ni Andrea.

"N-naku! Tsamba lang iyon. Ang totoo, hindi ako magaling!" natatawang namumula pa si Andrea dahil doon. Tumakbo nga siya para kuhanin ang bola. Pinatalbog niya iyon at lumapit kay Rich.

"Try mo! I know, kaya mong mag-shoot kahit na hindi tumatalon?" Iniabot niya ang bola sa dalaga at napangiti kaagad ito.

Lumunok muna ng laway si Rich nang hawakan niya ang bola. Napatingin pa siya kay Andrea na nakangiti naman sa kanyang harapan. Sa loob lang ng kwarto siya madalas na nagpapa-shoot ng bola at parang nakaramdam siya ng kaba nang sandaling iyon.

Kaya ko ba? Marunong pa ba ako?

"Mas okay siguro if ibigay mo muna sa akin ang saklay mo?" suhestyon ni Andrea dahil pansin niyang parang hindi komportable ang kabilang braso ni Rich kung nakatuon ito rito.

Naisip din naman iyon ni Rich. Isa pa, kaya rin naman niyang tumayo gamit ang isang paa niya. Ikinalma niya nga ang kanyang sarili nang itaas niya ang kanyang kabilang braso para makuha ni Andrea ang kanyang saklay.

KINBEN II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon