TWENTY-ONE

2.1K 29 2
                                    

- Amor -

KINAUMAGAHAN nasilaw ako sa araw na tumatama sa aking mukha.
Nag-inat ako habang nag hihikab.
Napalinga ako sa side table upang makita sana ang oras ngunit isang stripe rose ang aking nakita roon.

Napalinga ako sa buong kapaligiran. Medyo nag loading pa ako pero naalala ko naman na lahat.
Kagabi nag haponan akong hindi kasabay si Derick. Sabi ng mga katiwala'y may pinuntahan daw itong mahalaga.

Hindi na ako nag tanong kung ano pa 'yon, hindi ko inugaling maging memosa minsan lang.
Mahirap din naman kasing masyadong maraming nalalaman.

Tuluyan na akong bumangon at nagtungo sa banyo hindi na ako nag-abalang mag tapis ng tuwalya pagtapos maligo at lumabas na.

"Kuso," I heard a loud curse.

Parihas na gulat ang makikita sa aming mga mata.
His face becomes red na para bang sinilihan.
He took off his jacket and wrapped it around me.

"Get dressed. Hihintayin kita sa baba," wika ni Derick at agad ng lumabas sa aking silid na inuukapahan.

Paglabas ni Derick ay para akong natuod sa aking kinatatayuan.

"Shocks. Nakakahiya ka, Thea," anas ko habang tinatampal ang sarili.

Lumabas na ako pagtapos magbihis ang dalawang lalaking nakabantay sa aking pintoan yumukod na naman.

Bumaba na ako sa hagdan the mansion is so huge para na itong isang palasyo sa sobrang laki. The black gigantic chandelier is so stunning.

"Good morning, Lady," nakangiting bati ng isang katulong sa akin saka ako iginaya sa dining.

"Ohayo," sabay-sabay na tugon ng mga katulong na nasa dining bukod pa sa katulong na nasa aking likod.

Nakita ko ang pagngiti ni Derick sa akin. But no. This is not Derick dahil dalawa ang nakikita kung lalaki ngayon o baka naman narito na si Dastian.

"Dastian?" takang tanong ko - Derick's twin.

Nawala ang ngiti sa kanyang mata, tumingin ako sa isa pa pero kibit balikat lang ang isinagot nito.

Lumapit ang isang lalaki sa akin saka hinawakan ang aking kaliwang kamay at hinalikan ito.

"It's Duke, Honey," his sweet voice make me nervous again.

Nag-angat siya ng tingin saka nag wikang "Do you like the rose?" kinuha niya ang table napkin at inilagay iyon sa aking hita.

"It's my peace offering. I'm sorry ab-" hindi na niya natapos ang sasabihin ng kurutin ko siya sa kanyang tagiliran.

Nakakahiya kaya ang nangyari kahapon lalo't alam ko namang hindi niya sinasadya. Pero hello! Mas nakakahiya kaya 'yong nangyari kanina.

Humarap ako kay Derick na sumisimsim na sa kanyang kape "I'm sorry," hinging paumanhin ko.

Bakit nga ba kasi ang bobo ko na hindi magtapis eh hindi naman sa aking bahay ito.

"It's okay, Darling, I have seen many women's bodies and I can say that you will not lose to them," ngisi niya.

Laglag ang panga ko sa narinig mula sa kanya.

"What?" Duke slammed the table.

Lahat kami'y nagulat sa kanyang malakas na pagsigaw at pagpalo sa lamesa.

Ikinumpas ni Derick ang kamay upang paalisin ang mga katulong na nakapaligid sa amin.

"Lower your voice," irap ni Derick sa kambal.

"I didn't mean it. I knocked and no one responded so I entered. Then she went out of the bathroom -,"  huminga siya ng malalim at bumaling sa akin.

Kumindat siya at binasa ang ibabang labi na para bang may gustong ipahiwatig ang kanyang mga mata "And I saw her naked," his evil smile plastered at his mouth.

Gosh! Lupa. Paki kaen na ako ngayon na.
Abot-abot ang dasal ko sa mga oras na ito.

Hindi ako makatingin kay Derick na alam kung may ngiti pa rin sa kanyang labi.

"Is he harassing you?" Duke ask.

Umiling ako.
Iniyuko ko ang aking mukha at sa plato tumingin. Juskolorled apaka sama pala ng ugali ng hayop na ito.
Talagang ibinuko ako sa kanyang kapatid.

"Ano ka ba naman nagbibiro lang ako, Darling," tumayo si Derick at lumapit sa akin.

"Wag mo nang intindihin ang sinabi ko," hinawakan niya ang aking baba saka unti-unting itinaas ang aking ulo.

"I can't understand," Duke said.

Sabay kaming napalingon ni Derick sa kanyang gawi.

Huminga ng malalim si Derick saka umirap na naman sa kapatid "I said it's not true," bumalik na siya sa kanyang upuan saka nag-umpisa nang kumaen.

Bumalik na ulit ang mga katulong at inasikaso na kami.
Kumaen kami ng walang ni isang nagsasalita.

Hindi pa rin mawala ang hiya ko. Talagang ibinulgar pa niya ang kanyang nakita.

Matapos mag-almusal naglakad lakad kami kasama ko ang kambal na nagtungo sa likod ng bahay.
Puro puno ang narito at sa hindi kalayuan ay merong green garden at maliit na falls. Sa gilid merong mga maliliit na fountains na ang disenyo ay mga babaeng may apoy sa kanyang kamay.

"This is my mother's art," wika ni Duke ng makita niyang nakatingin ako sa babaeng nakapiring na wari'y nakaupo sa apoy.

"Her name is from the goddess of heart, home, and fire,"

"Hestia," sagot naman ni Derick.

"She is the kindest, most gorgeous, and lovely girl that I know," Duke sight.

"Pero parang dragon kung magbuga ng apoy lalo na kung nagagalit," Derick laughed.

Kunot nuong tumingin si Duke sa kambal.

"Hindi kasi siya nakakaintindi masyado ng tagalog," tumatawang saad ni Derick.

"Is he laughing at me?" tanong sa akin ni Duke.

Nagkibit balikat ako bilang sagot.
Kaya tinignan niya ng masama ang kanyang kapatid.

Masaya akong nakakuwentohan ang kambal. Si Duke pala ay dito na sa Japan lumaki kasama ang mga grandparent's nila sa mother side. Habang si Derick at si Dastian ay sa Pilipinas. Ayaw daw kasi ni Duke sa Pilipinas dahil binully ito sa kanilang primary school kasi hindi siya marunong magtagalog kaya pinagtatawanan siya.

Naiintindihan ko naman siya dahil may mga gano'n talagang tao.

Bumalik na kami sa malaking bahay kinuhanan pa ako ng dalawa ng isang basket na tulips dahil nai-kuwento ko na ito ang paboritong kung bulaklak.

NAGIGISING ako sa umaga na may bungkos ng tulips sa aking higaan.
Kakaibang kilig ang naramdaman ko kaya maganda ang nagiging pagbangon ko.
Isang lingo na rin ang lumipas at hindi ko na tuluyang pinansin ang aking cellphone. Baka nga nalowbat na rin 'yun kakatunog eh.





------------
New love life na ba ito? 🤣🤣

Hime_Akhira

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon