Bola 77

471 27 0
                                    


Bola 77

NATAPOS ang Puerto Galera Escapade nina Andrea. Pagdating ng dalaga sa bahay nila ay agad siyang dumiretso sa kanyang kwarto at dumapa sa kanyang malambot na kama. Masakit ang ulo niya dahil sa pagkalasing kagabi. Isang bagay pang masakit sa kanya ay ang pagitan ng kanyang hita at naalala niya si Ricky. Binuksan niya ang kanyang phone at tinawagan ang binata.

Sumagot ang binata sa kabilang linya.

"Nasa bahay na ako... sakit ng ulo ko," ani Andrea matapos umikot at humiga. Napahawak pa siya sa kanyang noo.

"Magpahinga ka. Takaw mo kasing uminom. Alam na madaling malasing," ani Ricky at narinig pa niya ang pagtawa nito.

"Hmmm. Ikaw, magpahinga ka rin..." mahinang sabi ng dalaga at nag-side view siya ng higa. Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at rumehistro sa isip niya ang nakangiting mukha ng binata.

"Mendez... I miss you..." malambing na winika ng dalaga at walang salita siyang narinig sa kabilang linya. Para ngang nainis siya kaso nang tingnan niya ang kanyang phone ay nakita niyang black-out na ito. Low battery na pala ito.

"Leche! Lobat nga pala ako!" bulalas na lang ni Andrea at bumangon na nga muli siya para mag-charge. Hindi rin siya pwedeng humilata agad dahil sa mga damit na sinuot niya sa beach ay lalabhan niya. Kapag mga damit niya ay hindi niya ito pinapalaba sa kanilang kasambahay dahil ito ang gusto niya. Nagbihis siya at nagpuyod ng damit. Dinala niya sa labahan sa labas ang mga damit niyang nagamit at inisa-isang ilagay sa batyang naroon.

Napansin niyang wala ang magulo niyang kapatid. Nakita nga niya si Ate Indang ang kanilang kasambahay na nagbubunot ng damo sa gilid ng kanilang bahay.

"Ate, nasaan si Andriano?" tanong ng dalaga at sinabi ng babae na ang kanyang kapatid daw ay may pupuntahan kaibigan.

"Ano'ng oras daw ang uwi? Bakit kaya hindi nagsabi sa akin iyon? Lagot sa akin pag-uwi iyon," ani ni Andrea at napatawa siya nang makita ang damit niyang suot kagabi. Ito ay ang nalagyan niya ng suka dahil sa pagkalasing. Habang inilalagay niya ang mga iyon sa batyang may lamang tubig ay nagulat siya nang makita ang isang itim na pang-ilalim.

Pinamulahan siya at napalingon sa likuran niya. "B-bakit nandito ang brief ng mokong na iyon?"Nagpatay-malisya na nga lang siya at isinama na rin ito sa kanyang binabanlawan bago ito sabunin.

Habang naglalaba ay humihimig pa nga si Andrea ng mga lovesongs na kanyang maiisip. Paminsan-minsan ay lumalabas ang mahina niyang boses na bumibigkas ng mga letra. Habang napapadaan nga ang kasambahay nila ay napapangiti na rin ito.

"Ma'am, parang inlove kayo ah," nakangiting wika ni Ate Indang sa kanya.

Napangiting may halong gulat naman si Andrea nang marinig iyon. "A-ah... S-siguro nga ate Indang." Napatawa pa ang dalaga at nginitian naman siya ng kanyang kausap.

Samantala, pagdating naman ni Ricky sa kanilang bahay ay nakita niya ang kanyang nanay na nasa kusina. Kasalukuyan itong gumagawa ng kakanin at nang marinig ang pagdating niya ay mabilis siyang kinumusta nito.

"Ayos naman po. Enjoy!" sagot ni Ricky.

"Kita ko nga. Parang masaya ang mga mata mo," ani naman ng kanyang nanay at napatawa ang binata dahil doon. "Inlove ka nga anak. Enjoy-in mo lang ang love life mo."

Patay-malisya na nga lang si Ricky sa sinabi ng kanyang nanay at dumiretso na siya sa lagayan ng tubal para ilagay roon ang laman ng kanyang bag. Nag-charge siya ng phone at nagbihis. Umupo siya sa kanyang kama at pagkatapos ay nagpatugtog ng mga kanta sa kanyang bluetooth speaker na nakakonekta sa kanyang phone.

KINBEN II (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat