[W.O.M] CHAPTER 10: NEAR DEATH ENCOUNTER

4.8K 207 17
                                    

A S H E

"Aaarrgghh!" sigaw nang hingante kasabay ng pagsabog niya. Talagang malakas ang isang 'to pero nagtagumpay parin kami.

Hingal na hingal ako pati si Yume.

"N-nagawa na'tin Yume." sabi ko sa kanya.

Nagawa mo Ashe.

Agad akong tumakbo kay Kiro para tulungan siya.

"Kiro! Ano? Masakit pa ba?" taranta kong tanong.

"M-Medyo." sabi niya. Nakahawak parin siya sa tiyan niya.

Anong gagawin ko? Hindi pa ako nakakabili ng healing item eh. Natataranta na ako hindi ko alam gagawin ko.

"Anong nangyayari sa'yo?" napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.

"Natatae ka ba?"

H-Huh?!

Hinampas ko siya sa tagiliran niya.

"Aray ang sakit! Ano ka ba?!" sabi niya.

"Dapat lang yan sayo. Nag-aalala na nga dito 'yung tao nakuha mo pang mang-asar eh no." iritang sabi ko sa kanya.

"Anong sabi mo?" tanong niya. Teka, sinabi ko bang nag-aalala ako?

"W-wala." sabi ko at umiwas ako ng tingin.

Ano ba 'to? Bakit nag-iinit nanaman ako?

"Hindi eh. Ang linaw ng sinabi mo. Ano uli yun? Nag-aala--" di ko siya hinayaang matapos magsalita at tinakpan ko ang bibig niya. Daldal kasi eh.

"Wala nga sinabi eh. Mali ka lang ng rinig." sabi ko at tiningnan ko siya ng masama. Tinanggal niya naman ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

"As if naman na matatakot ako sa mga tingin mo." sabi niya.

Whatevah.

"Kunin mo nga yung healer sa bulsa ko." utos niya.

"Aba't inutusan mo pa ako ha. FYI, may kamay ka. Dalawa pa nga." sabi ko sabay talikod.

"Oh sige mamatay nalang ako dito. Bahala ka sa buhay mo wala ng tutulong sa'yo." sabi ko.

Lakas mangonsensya eh no?

Kinuha ko na agad ang healer sa bulsa niya at binigay sa kanya.

"Oh ayan na po ser." sabi ko at lumayo na ako sa kanya. Nakaka-irita kasi siya.

Ginamit niya ang healing potion sa sarili niya at kay Yuri na nanghihina ding nakasandal sa puno. Maya-maya okay na sila agad na parang wala ulit nangyari. Magic!

"Good job Yuri." rinig kong bulong dito. Dapat lang na i-acknowledge niya si Yuri no. Ang hirap kaya ng ginawa ni niya kanina.

"Ikaw, halika." tawag niya sakin.

"Ayoko nga. Hindi mo na ako ulit mapapasunod no." sabi ko.

"Gusto mo bang pilitin pa kita?" sabi niya.

"Whatever." sabi ko.

"Bahala ka." sabi niya.

"Waaahh! Asky-sama! Kulay red na yung HP mo malapit nang maubos! Sige na pumayag ka na!" sigaw sakin ni Yume.

Oo nga pala. Nakalimutan ko na natamaan pala ako ng lokong higante na yun. Kaya pala masakit yung hita ko.

"Ano di ka parin lalapit?" sabi ni Kiro. Nang-aasar pa 'to eh. Mga tinginan eh.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon