FORTY-ONE

1.3K 25 5
                                    

- Amor -

LIMANG BUWAN na ang lumipas at ngayong araw na naming malalaman at makikita kong anong gender ng baby ko sa tiyan.

Mas excited pa nga sila Duke at Derick dahil sila pa ang gumising sa akin at nag handa ng mga isusuot ko.

"Still beautiful, Honey," saad ni Duke habang nag niningning ang mga mata.

His honey eyes are sparkling because of the sunlight.
Para itong isang gold na nasinagan ng liwanag ang gandang pagmasdan.

"Are you ready?" tanong ko sa kanya ng alalayan niya ako pababa sa hagdan.

"Not just ready, Honey, I'm excited na rin fho," conyo nitong saad. Ang arte nga eh, with accent pa kasi.

"Me too, Honey," sagot ko. Natatawa pa rin ako dahil pag tinatawag ko siyang honey ay talagang namumula ang kanyang leeg at tenga parang teenager na kinikilig ang kuyang Duke niyo.

Paglabas namin sa bahay nakaabang na rin sa amin si Derick.
Sakay ng yate papunta kami ngayong bayan ng Isla Soledad.

Naghihintay na rin kasi sa amin sila Cassandra at Mr. Milktea. At katulad ko mas excited pa ang dalawa dahil pagbaba ko agad akong niyakap ng bruha kong kaybigan at hinila pa ang dulo ng buhok ko.

"Hey," awat agad ni Duke.

"Taray! Daming shinning armor. Ganda, haba ng hair ah," panunukso nito sa akin sabay kindat pa.

"Jowa mo na?" tanong pa nito. Apaka chismosa.

Nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa hospital hindi naman kalayoan dahil mas okay na rin daw sa aking mag lakad-lakad para raw hindi ako ma manas.

"Matagal na," sagot ko "Apaka memosa mo, Te," irap ko pa.

"Wow ha," bigla akong nabatukan nito na ikinangiwi niya.

Tanghina talaga itong babae na 'to ang brutal pa rin. Masama naman siyang tinignan ng dalawang kambal pero nginitian niya lang ito ng ngiting aso.

"Gaga. Halos mag iisang taon kang hindi nagparamdam sa maganda mong kaybigan tapos ngayon gaganyan ka. Hoy, Bruha, halos mamatay na ako sa stress sa dalawang gago mong asawa tapos ngayon makikichismis lang ayaw mo pa," mahaba nitong litanya.

Napangiwi ako sa inasta niya. She's still the Cassandra I know. Ang kaybigan kong miss na miss ko na.

Hinila ko siya at niyakap. Kaya ganoon din siya sa akin.

"I miss you, Best," umiiyak kong saad at ang bruha ngumawa na parang bata.

Nahihiya tuloy akong lumayo rito dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Hoy, Gaga ka, mababaliw na ako kakahanap sayo. Kahit kay kuya Seb at sa gagong ito na nang blo-blackmail pa para mahanap ka lang--" turo niya kay Mr. Milktea.

"Hinayupak na 'yan. Sarap sakalin. Buti na lang nahanap ka niya kun 'di isusumpa ko talaga na mamaga 'yang malaki niyang imbotido," inirapan pa nito ang lalaki.

Ewan ko kung ano ba ang meron sa kanila. Pero napapansin ko namang alagang-alaga ni Mr. Milktea si Cass.

Pumasok na ako sa Oby-Doc. ko kasama ang apat.
Pinahiga na ako ng Doctor at nilagyan na ng gel ang tiyan ko.
Itinapat na rin sa aking tiyan ni Doctora. Zianna ang curveliner para makita na namin ang baby sa loob.

Napangiti siya at tumingin sa akin "The babies are good and healthy," mula sa monitor kitang kita ko ang dalawang sanggol sa tiyan ko.

Napaluha ako ng igala pa ni Doc. nag curveliner kitang kita namin ang paglilikot ng isa.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon