Chapter 9
Malakas ang buhos ng ulan ngayong tanghali. Kanina pang hindi sumasagot sa tawag ko si mama, maging ang mga pinsan ko kaya't ginusto ko kaagad na umuwi kahit na masama ang panahon. Pasado alas onse ng tanghali ako umalis pero siksikan na kaagad ang mga tao sa terminal. Halos isang oras tuloy ang inabot bago ako nakasakay ng bus.
Malayo ang bahay namin mula sa dormitory. Usually, it was a 3 hour drive. Madalas akong nakakatulog sa byahe sa sobrang pagod pero hindi ko 'yon nagawa ngayon dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. Kung hindi siguro ako sa saglit na nalibang at napagod kagabi sa pagsama ko kay Silas, hindi ako makakatulog ng kaunting oras.
Habang tumatakbo ang bus, panay tingin ako sa mga pictures namin noon ni mama. Ever since before, she never told me anything about her condition. Sa tingin ko nga ay marami pang alam si ate Dely kaysa sa akin. Maybe, it was the disadvantage while I was learning to be independent. I'm slowly detaching myself to the people I love.
It all started when I'm in highschool. Busy sila pareho ni papa sa pagta-trabaho. Natigil lang si mama sa bahay ng magdesisyon si papa na mangibang bansa at uuwi lang kung mabayaran na namin ng buo ang loan sa bahay. There are times that I'm alone on the family day but I never complained because I fully understand our home situation. I have never thought of blaming them because I knew everyone was doing their own sacrifices.
Iniisip ko na lang na sa bandang huli, magiging worth it lahat ng ito.
"Pasensya na aberya! Matatagal pa siguro ito ng kalahating oras!" sigaw ng driver ng bus nang huminto ang sinasakyan namin.
Tumigil na ang pagbuhos ng ulan pero nakatigil pa rin ang bus sa tabi ng isang tulay dahil nasiraan. Iyong kalahating oras na sinasabi niya ay naging isang oras hanggang sa nakarinig na ako ng kaliwa't kanang reklamo mula sa mga pasahero.
"Hanggang kailan pa ba maayos ang lintek na 'yan? Hindi pwedeng magbaba rito ng pasahero dahil malayo sa mismong sakayan. Aabutin na tayo ng siyam-siyam dito wala pa ring nangyayari!" mainit ang ulo ng isang lalaki kung hindi lang siya inawat ng katabing babae.
Maski ako ay sobrang naiinip na rin. Gustong gusto ko ng umuwi dahil nag aalala na ako nang sobra.
I couldn't do anything right now but to pray.
Habang nakapaling ang ulo ko sa bintana, isang pamilyar na motor ang nahagip ng mga mata ko. Huminto siya sa tapat ko. Nang tanggalin niya ang suot na helmet, doon ko nakumpirmang si Silas iyon.
Anong ginagawa niya rito? Hindi ba't may prelims kami ngayong araw? He was such a competitive guy so I suddenly wonder why he skipped his classes.
Maya maya pa, tumunog ang cellphone ko.
I'll drive.
Kunot noo ko siyang tiningnan. Nagtipa ulit siya ng mensahe.
I'm heading to the same destination.
Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Pero sa halip na magreklamo, hindi ko alam kung bakit sobrang thankful ako nang makita ko siya ngayon. Sa sobrang desperada ko ng makauwi dahil nag aalala na ako kay mama, hindi na ako nag isip isip pa at bumaba na ng bus. Kagaya ng ginawa ko kagabi, tinanggap ko ang pink na helmet na ibinigay niya sa akin bago sumampa sa motor.
"Kailangan ko na talagang makauwi. Pwede bang bilisan mo magpatakbo nang kaunti?" request ko dahil baka abutan na din kami ng ulan.
"Alright. Hold tightly."
Plano kong sa jacket na itim niya lang ako hahawak pero bigla akong natakot ng paandarin niya ang motor katulad nga ng request ko. Sobra akong nahihiya ng ipulupot ko ang braso ko sa bewang niya. Sana ay okay lang iyon sa kanya.
YOU ARE READING
Infinite Probabilities (Engineering Series #1)
Teen FictionEngineering Series #1 Growing up independently, Felicette Zchel Valderama already imagined herself succeeding in her future line of profession. She has only one goal in mind-and that's to get a Civil Engineering Bachelor Degree in Summerville, the m...
