Chapter 5

87.5K 1.6K 322
                                    

@mshygirl...this chapter is for you.



The number you dialed is switched off, please try to call later.

F*ck!

I punched the wall sa sobrang galit ko na hindi ko naramdaman ang sakit. I just want to let out my anger at ang dingding ang napagbuntunan ko.

Four days! four f*cking days she's ignoring me! Giving me a silent treatment!

I already swallowed my pride at sa unang pagkakataon, ako na ang unang nag text sa kanya pero ni minsan hindi ito sumagot. Cass' silence frustrates me na kahit nakapatay ang telepono nito, paulit ulit ko pa ring tinatawagan, nagbabakasali na makausap ko ito.

Na naging dahilan pa ng away namin ni Roxanne dahil ginagawa ko ito kahit kaharap siya, she was fed up of my grouchy attitude everytime I failed to connect to Cass' cellphone.

After I dropped Roxanne to the airport, dito ako sa condo niya dumiretso pero walang tao. At tulad ng mga nagdaang araw, her phone is off!

Cassandra, where the hell are you?!!

She's supposed to be at home pag ganitong oras na, unless...

Nagmamadali akong bumaba ng building at pinaandar kaagad ang kotse, alam ko na kung nasaan si Cassandra.

Naalala kong napagkasunduan sa condo ni Bryan magdi-dinner ngayong Miyerkules ng gabi, hindi ako nangako na darating dahil nga sa nandito si Roxanne, pero narinig kung umuo sina Liza.

Halos paliparin ko na ang kotse kaya mabilis akong nakarating sa condo ni Bryan. I can't wait to see Cass, gusto kong iparamdam sa kanya na galit ako.

Nai-imagine ko na ang nagpapa-awa nitong mukha oras na magkita kami.

You wait and see, Cassandra. You are going to pay for ignoring me.

Hinanap kaagad ng mata ko si Cass pagkapasok ko ng condo ni Bryan, pero ang nadatnan ko lang ay Si Liza at Janet na nakaupo sa sofa, bumati lang sa akin si Liza at binalik kaagad nito ang atensiyon sa Ipad na hawak nito. Ni hindi ko tinapunan ng tingin si Janet na alam kong nakasunod ang mga mata sa akin, hinihintay na bigyan ko siya ng special na atensiyon na lagi kong ginagawa pag kasama namin si Cass.

What for, kung wala naman dito ang taong gusto kong paselosin.

"You want something to drink habang hinihintay natin ang pina-deliver kong pagkain?" tanong ni Bryan na nakasunod sa akin.

Dumiretso ako sa kitchen counter that divide the kitchen and living room at umupo sa barstool na nasa harap nito.

"I need something strong." the anticipation na nararamdaman ko kanina habang papunta dito ay napalitan na naman ng galit, galit na gusto kong ilunod sa alak.

Pinagtataguan ba ako nang babaeng 'yun?!

Nagtaka man, hindi na nagtanong sa akin si Bryan. Binuksan nito ang isa sa mga cabinet sa kusina at kumuha ng baso, nilapag niya ito sa bar counter kasabay ng bote ng scotch.

"Gusto mo?" alok ko after I drank one shot of scotch.

"Mamaya na ako pagkakain. Nag away ba kayo ni Roxanne at mukha kang problemado?" imbes na sagutin ang tanong ni Bryan, nagsalin pa ako ng alak sa baso and drank it, straight up.

"Liza, where's Cassandra?" diretsa kong tanong, wala akong pakialam kung magtaka sila kung bakit interesado ako kung nasaan ang kaibigan nila.

I need to know where the f*ck she is!

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon