fourteen

24 2 0
                                    

painter : fourteen

Tinaasan ko ng kilay si Blake. "Ano?"

Hindi niya ako nilingon at binuksan lamang ang kotse niya saka ako tinignan.

"Sabi ko pupunta ako sa inyo," pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.

"I'm not deaf." Pag-irap ko sa kanya. "Ang ibig kong sabihin sa ano ay bakit ka pupunta sa bahay namin?"

Nagkibit-balikat siya. "Gusto ko kasi makilala si Fayetings. Hindi ang friend niya," sarkastiko niyang sagot.

Rinig na rinig ko ang pagkasarkastiko niya. At halata naman sa ekspresyon niya. Ano kaya problema ng lalaking 'to? Hindi kaya sa utak na? Nasobrahan sa pangbabae?

I crossed my arms over my chest. "Sorry to disappoint you but a person named Fayetings doesn't live in our house."

"Okay, Viviana Faye. Take me to your friend Fayetings nga." He crossed his arms over his chest too.

Napanganga naman ako dahil sa itsura niya ngayon. Bakit may kumikiliti sa akin na baliko ang lalaking 'to? Kiliti lang naman, malalaman ko rin kung totoo ba o hindi. Ang taray ng gaga.

"First of all, how did you know my second name? Second, bakit ka nagagalit, e ikaw na nga tinulungan na makalabas sa pagbibigay ng malaking halaga ng pera sa mga nakapustahan mo? Ano pinuputok ng butchi mo?"

"I'm friends with your brother. No comment. I don't know what is butchi," maiikli niyang sagot na wala namang kwenta.

Pero si Kuya Darius ba ang ibig niyang sabihin? Si Kuya Darius lang naman ang madaldal sa tatlo kong kapatid. Tapos dito rin 'yon nag-aaral? Hindi na nakataka-taka kung magkikita man sila. Isa pa, sa naaalala ko, ang sabi nila Kuya ay si Kuya Darius at Blake raw ang mas close.

Nanahimik lamang ako at tinalikuran na siya saka nagsimula na maglakad papaalis. "Bahala ka nga sa buhay mo, sakit mo sa batok," bulong ko pa.

"Hey, sabi ko let's get some snacks!" Rinig kong sigaw niya sa likod ko pero hindi ko siya nilingon.

Pupunta pa ako kay papa. Ang tagal ko nang hindi siya nabibisita. Dalawang linggo ko na yata siya hindi nakakausp dahil sa sobrang busy ko sa acads.

"Mag-snacks ka mag-isa," bulong kong sagot.

Akala ko ay nakalayo na ako sa kanya dahil hindi ko na marinig ang madaldal, ngunit ng lilingon sana ako, nagulat na lamang ako nang makita ko siya sa gilid ko na sinasabayan akong mag-lakad.

"Mas masaya pa rin kapag may kasabay akong kumain tapos maganda."

Kung kanina ay neutral lang ako, ngayon ay napawi iyon at napasimangot ako. Ngitian at kindatan ba naman ako. After niya ako tarayan at sungitan? Sorry siya pero wala na talagang talab sa akin ang pagpapapogi niya. Oo at pogi siya, pero hindi 'yong pogi na pogi na! Basta gano'n.

"Edi kitain mo na 'yong ka-date mo," wika ko at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Wala na 'yon. Sa bilyaran ako gusto kitain, eh," sagot naman niya at tumawa nang mahina.

"Bakit? Hindi ka ba marunong mag-bilyar?" tanong ko at umiling naman siya. "Weakshit," bulong ko.

Binigyan naman niya ako ng malamig na tingin. "Ano mali sa hindi marunong mag-bilyar?"

Umiling lamang ako. "Wala naman. Gusto ko lang kita talaga tawagin na weakshit," sagot ko sa kanya at ngumisi.

Nandilim ang tingin niya sa akin kaya iniwas ko na ang tingin ko at ipinagpatuloy ang paglalakad. Tuwing naglalakad talaga ako rito, parang dekada na akong naglalakad, eh.

Stuck Staring at You | ongoingМесто, где живут истории. Откройте их для себя