FORTY-THREE

2.4K 24 0
                                    

- Amor -

APAT NA BUWAN ANG LUMIPAS. Nagising ako ng maramdamang naihi ako sa higaan. Kasabay ang paghilab ng aking tiyan na tila ba may gusto ng lumabas.

"Duke ahhhhh," malakas na sigaw ko habang pababa ng hagdan.

"Ate Sarah," malakas ko ulit na sigaw mahigpit ang hawak ko sa reeling ng hagdan dahil sa sakit.

"Tanghina naman oh!" anas ko sa sarili.

"Ahhhh," isa pang malakas na sigaw ng may lumapit sa aking isang taohan.

"Ma'am," nag-aalala nitong saad.

"Asan ang triplets?" inis na tanong ko dito.

Kay aga-aga wala ang mga lintek na 'yun.

"Aaaahhhh," muling hiyaw ko dahil sa paghilab. Agad naman ako nitong dinaluhan.

"Naliligo po sila sa dagat, Ma'am," sagot nito sa akin saka ako inakay palabas.

"Manganganak na ako," muling hiyaw ko ng makalabas kami ng bahay kaya napatingin sa akin ang lahat.

Ang mga bantay na seryuso ay nataranta dahil sa pagsigaw ko.

Ang iba naman tinawag ang triplets.
Madaling umahon ang tatlo na tila ba'y mga greek god sa kakisigan. Sheyms tulo laway ko.

Bawat takbo nila ay nag pi-flex ang kanilang mga muscle. Kitang kita rin ang kanilang v-line dahil nakasuot lang sila ng boxer. Ang kanilang mga katawan ay parang nililok sa sobrang perfect.

Pinulot ng mga ito ang kanilang t-shirt at sando.

Iniiling ko ang ulo. Shuta naman manganganak na nga ako minamanyak ko pa rin ang mga lalaking ito.

"Darling, Are you okay?" tanong ni Derick ng makalapit sa akin.

Binuhat naman ako ni Dastian pa bridal saka nag tungo na kami sa yate.

Pagkarating sa pampang ay may nakaabang ng ambulance roon.

Isinikay agad ako sa stretcher kasama ang tatlo na nag-aalala sa akin.

Masakit kasi talaga lalo na at dalawa silang nasa sinapupunan ko.

Mabilis na akong dinala sa delivery room kasama ang tatlo si Doc. Zia na rin ang nag asikaso sa amin.

Pinagsuot kami ng hairnet. Sa akin ay hospital gown for labor samantalang ang sa tatlo ay pang patient gown.

Mahigpit ang hawak ni Derick sa aking kaliwang kamay habang pinu-push ni Doc. Zia ang aking tiyan.
Habang ang dalawa naman ay hindi mapakali at inaalo ako.

Ilang segundo pa ng lumabas ang unang baby ko.
Masayang inanunsyo ni Doc. Zia na malusog si Baby number one.
Pinatiwarik ito ng asistant niya at pinalo sa puwet upang umiyak.

Malakas naman ang naging pag-iyak ng aking sanggol, nilinisan nila ito at binalot sa puting tela.
Muli na namang humilab ang aking tiyan at alam kong lalabas na rin ang pangalawa.

Nang mailabas ang pangalawa kong baby ay umiyak na ito agad.
Katulad ng una malusog din ang baby number two ko.

Hindi ko alintana ang pagod, hirap, at pawis ng itabi sa akin nila Duke at Dastian ang dalawang angel ko.

Nagising ako ng makarinig ng iyak ng sanggol.
Malabo pa ang paningin ko noong una pero luminaw din ito kalaunan.

Napangiti ako ng makitang hinihele ni Dastian ang isa ang isa naman ay pinapatahan ni Derick at Duke.

Natatawa ako ng binubulaga ito ni Derick eh hindi pa naman nakamulat ang mga mata ng baby ko.

Walang pagsidlan ang saya sa aking puso habang nakatingin sa mga lalaking ito.
Ginagawa nila ang lahat para mapasaya at alagaan ako.
Itinuring ko na rin silang mga partner ko kahit na alam naming hindi naman talaga sila ang totoo kong asawa.

Tungkol sa divorce ko sa kambal ay binabasura daw ito ng korte kahit ang kasal ko sa America kay Queven.

Hindi namin alam kung bakit pero ginamitan na raw ng tatlo ng koneksyon pero hindi pa rin daw ito inaaprobahan.

Hindi ko rin naman alam kong paano ako naikasal sa dalawa.

"Can I hold my babies?" tanong ko.

Sabay-sabay namang napatingin sa akin ang tatlo.
Madaling lumapit sa akin si Derick at hinimas ang ulo ko sabay halik sa labi ko.

"Kamukha mo sila, Darling," masayang saad nito.

Lumapit naman ang dalawa na karga ang mga anak namin.

Itinabi ni Dastian sa akin si Thalia baby number one habang si Artemis baby number two naman karga ni Duke.

"Marquiz ba sila?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanila. Nilalaro ko lang ang kamay ni Thalia.

"Yes," napatingin ako kay Dastian.

Bakas ang lungkot sa mata niya pero ngumiti pa rin siya.
Ngumiti ako para tabigin ang lungkot sa kanilang mga mata.

"Don't worry. Okay lang sa akin," tango ko sa tatlo pero kahit na gano'n nakikita ko pa rin ang pagkadismaya sa mga mukha nila.

"Please. Paki ayos naman ng mga mukha niyo," umupo ako at kinalong si Thalia.

"Amin na si Artemis," saad ko kay Duke.

Dahan-dahan naman niyang inilagay ito sa kaliwa kong braso.

KINABUKASAN dumating sila mommy at daddy Anthony.
Masaya silang makita ang kambal. Magaling na si mommy kaya puwedi na siyang magbuhat. Hindi pa naman gano'n kabigat ang kambal kaya, kaya na ni mommy.

Maghapon ko atang hindi nahawakan ang mga anak ko dahil sa lima silang nag aalaga.
Nag leave daw sila Dastian at Derick hanggang sa makalabas kami dito at makauwi eh, bukas makakauwi na rin naman kami.

Masaya kaming naghaponan ng sabay-sabay. Kanya kanya rin silang kuha ng litrato kahit na ang panget ng hitsura ko wala silang pakialam.
Ikaw ba naman walang ligo hindi ka mahagard. Jusmi.

"Don't worry you're still beautiful even without a bath," ngiting saad ni Duke.

"Bola," irap ko dito. Dinampian naman ako nito ng halik sa aking pisnge.

Umupo siya sa tabi ko at sinuklay ang aking buhok.

"Thank you," baling ko sa kanya na ikinailing niya.

"Thank you for taking care of me, for taking care of my babies," saad ko pa.

Pinisil niya ang pisnge ko na ikinairap ko na naman sa kanya "I love you so we will do everything to make you happy,"

"Even if we are not the father of Artemis and Thalia we will still consider them ours," dagdag pa niya.

I flustered my sweet smile and kiss him on his lips.
Bigla namang lumiwanag ang kanyang mukha dahil sa ginawa ko.

"Can I have a kiss too?" para naman batang nakangusong saad ni Derick.

Napatingin ako kay mommy at abala lang itong nag papatulog kay Thalia.
Kaya hinalikan ko rin sa labi si Derick.
I also call Dastian and give him a peck of kiss on his lips.

Ramdam ko namang ang pamumula ng aking mukha dahil sa ginawa ko.
Buti na lang at si daddy Anthony lang ang nakakita kong pati siguro si mommy ay kanina pa ako napingot sa kaharutan ko.

"Puwedi na bang sundan?" saba-sabay kaming napatingin kay Derick.

Narinig ko naman ang malakas na pag tutul ni mommy na ikinatawa na lang namin.
Masama pa itong tumingin kay Derick na animo'y babalatan na ng buhay.

"Aba maawa naman kayo kay Amor ang lalaki niyong iyan kakayanin ba kayo ng patpating anak ko," singhal pa nito.

Napakamot naman si Derick sa kanyang nuo.

"Tita naman," tanging nasabi na lang ni Derick habang pekeng tumatawa.

"Saka na pag na divorce na siya sa mga anak ni Anthony," biglang wika ni mommy na ikinalaglag ng panga namin.

"Honey," gulat na wika ni daddy Anthony na tila hindi makapaniwala sa sinabi ng aking ina.

Inirapan lang naman ni mommy si daddy.
Habang kami naman ay natatawa pero ng ibinaling ko kay Dastian ang tingin masama itong nakatingin sa labas ng bintana na parang ang lalim ng iniisip. Nakakuyom ang kamao at tiim bagang.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon