CHAPTER FIVE

2.8K 73 10
                                    


APAT NA araw ang lumipas mula nang huli silang mag-usap ni Ram. Gusto na niyang mawalan ng pag-asang tutupad pa ito sa usapan. Ang tanging pinanghahawakan ni Joanna ay ang halagang inalok niya rito.

Nasa average level man ang buhay ng isang tao at may permanenteng trabaho, hindimadaling isantabi ang isandaang libong piso sa isang walang kahirap-hirap na paraan. At isang mangingisda si Ram. Hindi nito magagawanag bale-walain ang halagang iyon.

Nang umagang iyon ay kausap ni Joanna si Don Serafin sa telepono. "Mahabang panahon na ang ibinigay ko sa iyo para mag-isip, Joanna," wika ng don sa kabilang linya. "If you don't come home within the next two days, pakakasalan ko si Conchita."

"Hindi mo gagawin iyon, Lolo," mabuway niyang sabi. Nasa tinig ng abuelo na seryoso ito.

"Try me," hamon nito. "Nagpahiwatig na ako sa kanya. Dalawang araw, apo. Umuwi ka at pag-usapan natin ang tungkol sa inyo ni Julio. Isang buwan na rito si Julio. At ginagarantiyahan ko sa iyong magkakagustuhan kayo."

Napasandal sa frame ng bintana si Joanna. Hindi malaman kung ano ang sasabihin sa abuelo nang mula sa kinatatayuan niya ay natanaw niya sa aplaya ang isang pamilyar na bulto. Agad ang pag-alon ng tuwa sa dibdib niya.

"All right, Lolo," nakangiting sabi niya. "Uuwi ako riyan, kahit bukas din. Pero hindi para ipakipag-usap ang tungkol sa amin ni Julio kundi upang ipakilala ko sa inyo ang aking asawa."

"Asawa!" Mabilis niyang inilayo sa tainga ang telepono dahil nabingi siya sa sigaw ng abuelo. "Niloloko mo ba ako, Joanna?"

"'Lo, sinabi ko na sa inyo bago ako umalis na may nobyo na ako, 'di ba? Hindi ninyo ako gustong paniwalaan. Pinabilis ng pagpipilit ninyo sa aking ipagkasundo ako kay Julio ang aming kasal."

Sunod-sunod na pagmumura ang narinig ni Joanna sa kabilang linya. Kinabahan siyang aatakihin ito anumang oras. Subalit nang humupa ang litanya nito ay, "Okay, isama mo ang asawa mo rito bukas!" naghahamon nitong utos, ipinahihiwatig ng tinig na imposibleng magagawa niya iyon. Her grandfather didn't believe her at all.

"You will meet him tomorrow evening, Lolo," puno ng kompiyansang sabi niya at nagpaalam na. Inihagis niya ang cell phone sa kama at halos takbuhin pababa ang hagdan at palabas ng bahay.

Nasalubong niya si Ram sa mismong malapit sa entrada ng restaurant. Huminto siya sa pagtakbo. Tumaas-bumaba ang dibdib sa paghingal habang sinusuri ito ng tingin. His hair was longer. The tips curled around his collarbone. But he had shaved, looking less formidable. He had turned a shade darker.

Marahil ay ilang araw itong nagtagal sa dagat.

Kupas at lumang maong pa rin ang suot nito at abuhing poloshirt na niluma na ng panahon. Naka-sapatos ito ng goma, nakaangat pa yata ang suwelas. Mumurahin lahat ang nasa katawan nito subalit mahusay nitong dinala ang suot. And despite all that, he was devastatingly gorgeous. No fisherman could look better.

But would his appearance enough to satisfy her grandfather? Wouldn't her grandfather criticize him to no end because he was poor? Na inulit na naman niya ang kasaysayan ng ama't ina?

He was an eccentric old man. Old fashioned in so many ways. This was the twenty-first century pero ang lolo niya ay tila nakulong sa isang time warp where marriages were arranged, were people had to dress for dinners. Kahit sa sariling pamamahay.

But this man was a de Vierre. That was all that matters.

"Hi," he greeted warmly, a smile on his face.

"What took you so long?" Her heart took a miss beat. He might not be Brad Pitt-handsome but the smile on his face could slay seadragons—kung mayroon mang ganoon—from half-a-mile.

PHR CLASSICS: Marry Me, StrangerWhere stories live. Discover now