CHAPTER 5 (edited)

19 3 0
                                    

Chapter 5


Aly pov.





Nagtutulakan pa kami ni sir jacob kung sino ang hihiga sa kama."Ikaw na ang hihiga d'yan, aly" Pagpupimilit nito sakin. Pero nakakahiya naman na ako ang hihiga sa kama kasi sa kan'ya naman tong kwarto


"Wag na sir, okay na po ako dito sa sahig" Pagpupimilit ko pa. Dahil sa pagtutulakan namin ni sir naka abot  kami ng 10 pm.

"Sir okay lang talaga ako dito sa sahig. Sanay na 'rin po ako e." Tumango lang ito na parang hindi naniniwala.


Dahil sa mas napilit ko si sir na sa kama na s'ya matulog at ako sa baba nang kama. Pumasok agad ito nang cr kaya naisipan ko na bumama mo muna.

Bubuksan ko na sana ang pinto dahil bababa ako ng makita ako ni sir jacob pag labas n'ya ng banyo. "Where are you going, aly?!"


Ngumiti ako "Sa baba po,sir?!" Kumunot ang nito habang nagpapahid ng towel sa kan'yang buhok na basa."Anong gagawin mo don?alam mo bang dito kita pinatulog? para hindi kana palakad lakad kung saan." Mukhang nagalit ko s'ya yumuko ako habang pabalik sa kama na inuupuan ko kanina.



Sinabihan ko s'yang magbibihis lang sana ako ng damit, sabi n'ya wag na daw ako bababa ipapahiram na lang daw n'ya ako ng damit. Ang laki pa nga ng damit n'ya hinubad ko lang yung pajama ko may sickling naman na iwan.


Sa sahig ako natulog. Binigyan naman ako ni sir ng kumot at unan.





Pinilit kung makatulog dahil malapit ng mag 11 pm pero ayaw talaga. Hindi ako sanay na may lalaking kasama ako sa iisang kwarto.




Nagmumuni muni na lang ako habang nagpapaantok pa. "Hindi kaba makatulog, aly?" Tumingin ako kay sir jacob at umiling



"Hindi po ako makatulog e" Tumango ito habang nagiisip "Dito ka na lang sa tabi ako, aly baka hindi ka sanay dyan." Tumawa lang ako habang pumipikit "Sanay akong nasasahig natutulog, sir."



Hindi ito sumagot sa sinabi ka kaya pinabayaan ko na lang "lilipat ka dito o bubuhatin kita?" nabigla ako sa sinabi ni sir jacob kaya paika ika akong lumipat sa tabi n'ya.


Tumatango tango pa ito habang malaking ngiti. "Madali ka naman palang kausap, aly." Humalakhak agad ito.

Dahil sa inis ko tinapunan ko s'ya ng unan hindi ako takot na matanggalan ng trabaho ngayon dahil sa inis.


Inayos n'ya ang kan'yang higaan at tinapik tapik ang kabilang kama na nagpapahiwatig na mahiga na ako. Dahan dahan naman akong humiga sa tabi n'ya. Wala namang gagawin si sir jacob sa'kin diba? Hindi naman siguro mali na magkatabi ang babae at lakaki na matulog diba? Hindi naman siguro ako mamatay sa kaba na to. At bakit naman ako kakabahan?


"Ano iniisip mo, aly?" Tumingin ako dito at pinakita ko ang ngiti kung napipilitan. "Wala naman, sir." Tumango ito at pumikit na kaya pumikit na 'rin ako 'good night, Aly' huling rinig ko ng makatulog na ako.



Marso singko ngayong araw at kaarawan ng aking namayapang ama. Magpapaalam sana ako na lalabas para bisitahin ang puntod ni papa pero masyado akong madaming ginigawa dito. Pupunta kasi ang barkada ni ma'am monica ngayon dito sa mansion.


Nauna na akong magising kay sir. Nakakahiya naman siguro na mauuna pa si sir jacob sakin na magising diba? Pagbangon ko naramdaman ko ang sakit ng aking balakang. Hindi din ako makalakad ng maayos pero mas okay na to ki'sa kagabi.


Bumaba ako at nag prepare ng sarili.
Habang nagluluto may narinig akong nagsisigawan, nagtatawanan habang papasok ng bahay. Dumating na siguro ang mga barkada ni ma'am?!


Lumabas ako ng kusina para makita ang mga barkada ni ma'am at baka may iuuutos din sila sakin. "Who is she nica?" Pagturo ng lalaki na singkit mata sakin. May itchura naman s'ya.


"Wag yan luven." Pagsaway ni ma'am. Tumawa lang ito at umupo na "Ikuha mo nga kami ng maiinom, aly." Tumango ako at umalis na. Nang pumasok ako ng kusina ganon din ang paglabas ni sir jacob.


"Nakita ko yun, aly" Umigting ang panga nito habang nagsasalita. Problema nito? Hindi ko naman s'ya inaano! "Ano po yun, sir?" Mas lalung umigting ang mga panga nito.


Nalilito ako kung anong ibig sabihin ni sir sa sinabi n'ya. Pero hindi ko na lang pinuproblema yun. "Mamaya ka sakin, aly." Pananakot nito.

Anong problema non? Baka naman pangit ang gising n'ya?!


Natapos akong kumuha ng tubig at nag prepare ng baso. Umalis na rin si sir jacob habang mainit ang ulo.



Pag dating ko sa harap ng barkada ni ma'am inilapag ko ang tubig. Tumingin sakin yung kaibigan ni ma'am na babae ang ganda pa tapos ang puti. "Thank you ms" Sabi pa nong isang lalaki na subrang puti din. Napatingin ako sa barkada ni ma'am na singkit mata, nakatingin din pala ito sakin.



Umalis na ako don baka mapahiya pa ako sa aking kapalpakan na gagawin. Pag kasi ako tinitingnan ng isang tao doon ako nagkakaroon ng kapalpakan.

Bumalik ako sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto, pinatay ko kasi kalan kanina nong dumating ang mga kaibigan ni ma'am "may gusto kaba sa kasama ni monica,aly?" Nagulat ako sa taong pumasok dito sa kusina. Pag tingin ko si sir jacob pala na mainit ang ulo,  kala ko ba umalis na to? At hindi ko naman alam kung ano ang ikinagagalit n'ya.



Hindi ako sumagot sa tanong ni sir. Baka ako pa paginitan ng ulo n'ya. "Ayaw mo bang sumagot?" Napatalon ako sa pag sigaw nito. Tumingin ako sa kan'ya na may takot sa mukha bigla naman itong tumahik at huminga ng malalim.

Wala naman akong kasalanan ano ang ikinagagalit n'ya?!. Okay naman kami kagabi a?!.

Umupo si sir jacob sa upuan na kaharap sakin. Tinapos ko ang pagluluto habang nanginginig sa rakot. Hindi ako sanay nasinisigawan. "Sorry,aly. Hindi ko sinasadya na sigawan ka" Dumaan lang ako sa gilid n'ya at hindi pinansin ang kan'yang sinabi, nong dumaan ako ay bigla n'ya akong pinigilan at hinawakan sa kamay.


Tinabig ko ang kamay nito at iniwan s'ya sa kusina. Pumasok na ako sa kwarto ng mga maid at hindi inisip ang mga bagay-bagay pinahinga ko muna ang aking utak naisipan ko rin na matulog na lang dahil sa pagsigaw ni sir sakin ay hindi ko makalimutan.



Alas sais na ng gabi ako nagising dali-dali namana kong bumangon para makapagluto na ako ng hapunan namin. Baka mapagalitan pa ako, pag pasok ko sa kusina na kita ko si sir jacob sa lababo nag huhugas ng plato. Nahalata siguro nito na may ato sa likod n'ya kaya hinarap n'ya ako. "Ahmm, aly. Kumain kana tapos na kaming kumain, ikaw na lang ang hindi pa. Ang mga kaibigan ni monica andon sa likod sa may pool umiinom." Ang haba ng mga sinabi nito pero hindi ko maintindihan dahil sa subrang lalim ng iniisip ko.



Tumango na lang ako sabay upo at  nagsandok ng pagkain. "Ako din ang nagluto ng pagkain." Tumango lang ulit ako. Sasabihin ko sana na 'hindi ako nag tanong' pero baka madagdagan ko ang galit n'ya alam ko kasi na galit pa ito sakin.



Tinapos ko ang aking pagkain at kahit tingin man lang ay hindi ko magawa. May galit pa akong naramdaman dito at alam kung galit din s'ya sakin. Hinugasan ko ang aking kinainan na plato


Iniwan ko s'ya Doon sa kusina habang nakatingin sakin palayo. Kasalan n'ya naman yun.




Nong gabi yun hindi ko alam kung anong ginawa ni sir at natulog lang ako. Nagising ako nang maramdaman kung may himihimas sakin.



N/A:
SORRY PO SA NAGHINTAY NG UPDATE KO. I'M SO VERY BUSY THIS FAST FEW WEEKS I HAVE A NATIONAL ACHIEVEMENT TEST, EXAMINATION FOR FINAL SO MAY MGA PROJECT PA NAKAILANGAN TAPUSIN. HINDI PO ITO EDITED SO JUST COMMENT DOWN IF MAY WRONG GRAMMAR AKO AT TYPO


THANK YOU SA PAGBASA😘

OBSESSED WITH INNOCENT LADY (Ongoing)Where stories live. Discover now