Chapter 16

2.3K 53 2
                                    


"KARERA, ha? And I thought you have grown up!" His voice was full of contempt.

Sasagot sana si Jessica subalit minabuting manatiling tahimik. Hindi niya gustong salubunging muli ang galit nito. He was seething when he turned and walked toward his horse. Pumasok siyang muli sa sasakyan at pinaandar iyon. Subalit hindi kumagat ang makina. Muli niyang pinihit ang susi sa ignition hole, ganoon pa rin, kahit halos mabali na ang susi sa kapipihit niya.

Naiiritang bumaba siyang muli ng Range Rover at malakas na sinipa ang gulong niyon. And who said one could not get any satisfaction by kicking the wheel? Kasiyahan ang nadama niya sa pagsipa sa gulong ng sasakyan at inulit pa niya.

Pasakay na sa kabayo si Nick nang makita ang ginawa niya. Napigil ito sa pagsampa at lumakad pabalik sa kanya. She saw a faint glint of amusement in his eyes.

Sumandal siya sa sasakyan at tumungo sa lupa, ready for another battle. Lumapit si Nick. Too close for comfort. Itinukod nito ang isang kamay sa bubong ng Range Rover. Nakayuko ito sa kanya. He raised her chin with his thumb and forefinger.

Their gazes locked. Hers hope. His bewilderment... and something else.

Then his thumb moved on its own and caressed her lower lip. Para iyong pakpak ng paruparo na humaplos sa labi niya. Her gasp caught in her throat. Desire like wild fire spread through her. Scorching her.

"Ano ba ang gagawin ko sa iyo, Jess?" he said huskily, agonizingly.

She raised her lips to his. "Kiss me, Nick... please."

Ewan kung kailangan pa niyang humiling sa sandaling iyon dahil mabilis siyang hinapit nito at sa isang iglap ay nasa mga labi na niya ang mga labi ni Nick.

Maapoy at nag-aalab ang mga halik nito. Mapusok at nag-aangkin. Tila gutom at mauubusan. Tumaas ang mga kamay ni Jessica sa leeg nito. Tulad sa isang bulaklak na nauuhaw sa hamog, tinugon niya ang mga halik nito.

Kasimpusok. Kasing-alab.

Pakiramdam ni Jessica ay natutunaw ang mga binti niya at kung wala ang mga bisig ni Nick ay mauupos siya sa lupa.

Umungol siya nang pakawalan ni Nick ang mga labi niya. Both grasped precious air. Pagkatapos ay muli siyang niyuko, muling itinaas ang mukha.

"Don't do this to me, Jess..." Tila namamanhik ang tinig nito. In his eyes, puzzlement and passion melded each other.

Tumalikod ito at bumalik sa kabayo. Sumampa at walang-lingong tinalikuran siya nito.

Her fingers touched her swollen lips. Nararam-daman niya ang pananabik nito sa kanya. Her arousal was obvious as it poked against her stomach. Pero paanong nag-iwan lang ng higit na kahungkagan ang halik na namagitan sa kanila? Paanong hindi iyon nagbigay ng pag-asa?

"I'll get you back, Nick," usal niya. There was conviction in her voice.

Subalit kung paano ay hindi niya alam.

MULA nang mangyari iyon ay lalo niyang naramdaman ang pag-iwas ni Nick. Hindi ito nagtutungo sa malaking bahay malibang may kailangan sa mga empleyado sa opisina.

Mula sa pagtingin sa mga tauhang nagsasalansan ng sako ng mga palay sa kamalig ay lumingon si Manong Delfin nang makita ang paglapit niya.

"Magandang umaga, Jessica," nakangiti at magalang nitong bati, hinaplos ang ulo ng kabayong sinasakyan niya.

"Magandang umaga din po. Nakita ba ninyo si Nick?"

"Subukan mo sa kamalig sa koprahan, Jess. Magsasako ngayon ng mga kopra para sa delivery bukas. Malamang na naroon si Nick dahil maghapon kahapong nasa kabilang asyenda siya."

GEMS: Sunset and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon