/64/ We are Peculiars

249K 8.9K 2.8K
                                    

SA pagmulat ko ng mga mata, namalayan ko yung sarili ko na nakatayo sa loob ng isang itim na silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SA pagmulat ko ng mga mata, namalayan ko yung sarili ko na nakatayo sa loob ng isang itim na silid. Nasaan ako? Ang unang tanong na rumehistro sa isip ko. Sinubukan kong maglakad para tukuyin kung anong klaseng lugar 'to, sa sobrang tahimik ng paligid ay tanging mga yabag ko lang ang maririnig.

"Jill!" napaigtad ako sa narinig ko, isang boses at pagkatapos ay biglang dumami, "Jill!" boses ng mga humihingi ng tulong. Sa pagkakataong 'to ay na 'ko upang hanapin ang pinanggalingan ng boses, "Jill!" ngunit tila walang katapusan ang kadilimang tinatahak ko, palakas ng palakas ang alingawngaw ng mga boses. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at tumatagaktak ang pawis sa noo.

Napahinto ako at natulala bigla, parang nanigas ang buong katawan, pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig. May mga poste...at bawat poste ay may mga taong nakagapos. S-sila Aya... ang mga kaibigan ko. Nakapiring ang mga mata nila habang humihingi ng saklolo sa'kin. Kailangan ko silang iligtas. Ang una kong naisip.

Pero kikilos pa lang ako para lumapit sa kanila nang may mga kadena na pumulupot sa mga binti ko na naggaling sa sahig. Kahit anong piglas ko ay hindi ako makawala.

Maya-maya'y may lumabas na isang tao na nakaitim na balabal. Nagimbal ako sa sumunod nitong gumawa, humugot ng baril, ikinasa. Tila sinandya pa nito na tumingin sa direksyon ko habang naririnig ko ang palahaw ng mga kaibigan ko. Isa-isa nitong pinagbabaril sa puso ang mga nakagapos,, walang awang sunud-sunod nitong kinitil ang buhay nila. Gusto kong sumigaw dahil sa sakit pero walang lumalabas na tinig mula sa lalamunan ko.

Kasabay ng pag-agos ng luha sa mga pisngi ko ang pag-agos ng mga sariwang dugo sa sahig, papunta sa direksyon ko, hanggang sa natatapakan ko na ang tila lawa ng dugo. Nagpupumiglas ako pero sa huli'y napasalampak ako sa sahig, kaagad akong lumuhod at tiningnan ang mga kamay kong punum puno ng dugo.

Kagimbal-gimbal, damang-dama ko ang kalaputan nito at malansang amoy. Nanginginig, nanlalamig, parang mauubusan ako ng hininga. Haharapin ko pa lang muli ang taong itim na balabal nang bumukas ang sahig at mula roo'y umahon ang pa ang apat na mga poste at may nakagapos mula roon. S-sila Ate Karen, si Cloud, si Jing at Morris. Mga nakabusal at walang malay.  Nanlaki yung mga mata ko nang maglabas ng isang mahabang espada ang taong nakabalabal,  mas lalong naghuhumiyaw ang puso ko nang mapagtanto ko kung anong gagawin niya nang pumwesto siya sa gilid ng mga 'to at itinaas sa ere ang espada na biglang humaba, pagkabagsak ng mga braso'y sabay-sabay gumulong sa sahig ang mga ulo nila.

Katulad ng pagsigaw ay kahit pagpikit ay hindi ko magawa, tumigil ang daloy ng mga luha sa pisngi ko at nanginginig sa takot ang buo kong katawan. Punum puno ng takot at walang ibang magawa.

Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na ang taong nakabalabal, ni wala man lang bakas ng dugo ang damit, dahan-dahan niyang tinanggal ang balabal na nasa ulo at nakita...ang sarili ko, nakangisi na parang isang demonyo.

Sinalubong ko ng tingin ang sarili ko.

"Nakita mo hindi ba?" nagsalita ito nang hindi bumubuka ang bibig, umaalingawngaw sa buong paligid "Lahat ng taong malalapit sa'yo—mamamatay."

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon