Dinala ni James si Monique sa bar na pagmamay-ari niya at ng pinsan niyang si Lawrence. Dahil maaga pa, kakaunti pa lamang ang tao; which was a good thing -ayaw niyang makita siya ng ibang taong may kasamang dragong nagbabalat-kayong bilang sekretarya.
"May balak ka bang lasingin ako, Mr. Madrigal?" mataray na tanong ni Monique nang inabot niya rito ang isang bote ng beer.
A feeling of deja vu swept over him. Bakit pakiramdam niya ay nangyari na ito dati?
"May balak ka bang lasingin ako?"
It was like he heard that before... somewhere... with someone else...
Why the fvck couldn't he remember it?
Napailing si James. "Fine! Order whatever you want and put it on my tab."
"Dapat lang, noh! Sa laki ba naman ng pabor na hiningi mo sa akin. Dapat pa nga taasan mo pa ang sahod ko, eh."
"Don't push your luck, Monique," banta nito.
Nag-ikot lang ito ng mata bago ibinaling ang atensyon sa cellphone nito. Mabilis ito sa pag-type sa screen ng cellphone. Paminsan-minsan ay napapakunot ito ng noo habang binabasa ang mensaheng natanggap nito. Sino kaya ang ka-text nitong sekretarya niya? Boyfriend ba nito? At kaya ba ito napapakunot ng noo dahil may LQ sila?
Pero imposible atang magka-boyfriend itong si Monique. Ang binansagang dragon lady at ice maiden ng finance department, may boyfriend? Hindi kaya end of the world na?
"Boyfriend mo?" hindi niya natiis na itanong.
"Ano?"
"'Yang ka-text mo riyan -boyfriend mo ba?"
"Hindi. Nanay ko ang ka-text ko. Kinukumusta ko lang ang kapatid kong nasa ospital." Nahalata ni James ang paglungkot ng mukha ni Monique. "Naaksidente kasi siya mga ilang buwan na'ng nakaraan. May head injury at dislocated ang mga buto kaya nakaratay pa rin si Jonas sa kama."
"How is he?"
"Stable naman. Nagigising na rin siya. Pero matatagalan pa bago siya makakapaglakad muli."
"Pero okay naman siya. So try not to worry that much. Take a rest away from stress," sabi pa niya bago ininom ang beer.
"Bagong moto mo? Kaya pala lagi kang petiks sa trabaho, eh," mataray na puna ni Monique. Bigla naman nitong inagaw ang bote ng beer na ibibigay sana ni James sa waiter upang palitan ng ladies drink para rito.
"O, akala ko ko ba ayaw mo ng beer?" tanong niya kay Monique.
"Nagbago ang isip ko. Gusto kong malasing para makalimutan ang stress ko -at ikaw ang stress na tinutukoy ko."
Sa tingin ni James ay matindi ang problema ni Monique. At siguro, kung hindi lang ito nangangailangan ng pera't trabaho, matagal na itong nag-resign sa trabaho bilang sekretarya niya. Sa araw-araw ba naman na pambu-bully nito sa sekretarya, kahit sino ata hindi tatagal sa posisyong iyon. Pero andoon pa rin ito, hindi natitinag sa mga pasaring niya't pamimintas sa hitsura nito. Sa katunayan siya ang nagbansag ng pangalang dragon lady at ice maiden dito, which was only a fairly appropriate name for her if you ask him.
That woman could freeze any guy to death with her piercing eyes! That's why no guy in the office ever dared to make a pass at her, ask her out, flirt at her or whatever... dahil gusto pa nilang lahat mabuhay! But James, well, as time flew by, he became curious as to why Monique acted cold and aloof towards guys like him.
Now, he wouldn't be James Madrigal, the notorious lady's man, the charming prince of the Madrigal Family and the despoiler of the innocent for nothing! Ang huli ay bansag sa kanya ng kapatid niyang babae dahil hindi raw ito sang-ayon sa pamamaraan ni James sa paglalaro ng damdamin ng mga babae. Her words, not his. Hindi naman niya pinaglalaruan ang mga damdamin ng mga kababaihan -hindi na niya kasalanan na nami-misinterprete ng mga babae ang mga ikinikilos niya sa kanila. He loved charming his women, making love with them all night long if he could. Pero hindi naman niya sinabi sa mga ito na gusto niya ng lasting commitment. A month was already a maximum for him. Pero ang pakiligin ang mga kababaihan ay isa sa mga natatanging talento niya. At malakas ang paniniwala niya na walang babae ang makakapag-resist nang matagal sa kamandag ng kanyang karisma. Si Monique? Bibigay rin ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
The PAST MISTAKE
RomanceSa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok kay Francine upang kamuhian ang lalaking dati niyang minahal. At sa pangalawang pagkakataon ay mulin...