FIFTY

1K 20 10
                                    

- Third Pov -

Habang seryusong nakatingin ang lalaki kay Amor ay kabadong kabado naman ang babae.
Hindi niya maintindihan pero nakakakilabot kasi ang itsura nito.

Nagtataasan ang balahibo niya. Kanina pa nga niya gustong maihi dahil sa paraan nito ng tingin parang kakainin ka ano mang oras.

Napaiwas siya ng tingin ng bigla itong ngumisi.

"Do you want to ask something?" tanong ng lalaki kay Amor.

Umiling siya "Wala!"

"Why? Don't you want to know about yourself?" sarkastiko nitong saad.

Tumayo ang lalaki at lumakad papunta sa kanyang likuran. Hinimas nito ang kanyang balikat na nagpatambol sa kanyang dibdib.

"You know what funny is?" bulong nito sabay amoy sa kanyang leeg.

"Please... don't," her voice shook.

Patindi ng patindi ang kaba sa kanyang dibdib. Dahil ba ito sa lalaking kaharap.
Hindi niya mawari. Takot at sobrang kaba.

The man smiled widely at her. Na tila ba nasisiyahan sa nakikitang reaksyon ni Amor.
Naglakad ito at kinuha ang isang bote ng alak.

Naglakad ulit ito palapit sa upuang kaharap ni Amor at doon humarap sa babae habang tinutungga ang laman ng bote.

Tumatawa ito habang umiiling "You know what--" uminom ito sa alak "Nagkagusto ako sa babaeng tatraydorin lang ako,"

Tamad itong sumandal sa upuan "At alam mo ba ang nakakatawa?" tanong nito kaya umiling si Amor.

"I've in love with that face," turo nito sa mukha ng babae. Huminga siya ng malalim "But that face betray me. Bakit? Sabihin mo nga? Bakit kaylangan niya akong lukohin kulang pa ba?" para itong tanga na kausap si Amor pero ang babae ay hindi siya maintindihan.

"Tell me, Amor? Anong kulang?" lumambot ang ekspresyon ng mukha nito na tila ba nasasaktan.

"I don't know what to say. Hindi kita kilala pero baka kasi siya ang may problema hindi ikaw. Just forget her," kagat labing sagot ni Amor.

Natawa ang lalaki "Ganyan din ba ang ginawa mo? Just forget her? Why, Amor? Madali ba ang makalimot? Gano'n ba kadali 'yun?" tanong ng lalaki.

"Gano'n ba kadaling kalimutan ang panluluko sayo nila Queven at Quirro? Gano'n ba kadaling kalimutan ang panggagamit sayo ng triplets?" ngisi nito.

"Paanong--"

"Ilang taon na kitang pinapanuod sa malayo," hinimas nito ang kanyang pisnge.

"Ginamit?" tanong niya ulit.

"Bakit akala mo ba totoo ang lahat ng ginagawa ng triplets sayo?" taas kilay nitong saad.

"They do it because you're a Marquiz. Inilayo ka nila dahil alam nilang mapapakinabangan ka sa mga Marquiz. Poor twins," hagak nito.

"No," iling ko "Hindi nila gagawin 'yun," hindi makapaniwalang wika ni Amor.

"Ilang taon na ba ang lumipas, Amor. Kung totoo ang lahat bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin naikakasal sa kanila diba nasayo na ang isa sa mga bracelet. Alam mo kung bakit? Kasi kasal na si Dastian sa iba. And you," he pointed to Amor "You're just a toy for him. You don't know him, Amor. Sa tagal mo sa bahay nila hindi ka man lang naghinala?" tumayo ito at humarap sa sirang bintana.

"Diba ang laki mong tanga. Ang dali mo kasing lukohin at utoin,"

Napayuko si Amor sa mga narinig. Gusto niyang magsalita pero walang salita ang gustong lumabas sa kanyang bibig.

TRIP TO HEAVEN 1 : UN-INNOCENT STEPSISTER ( COMPLETE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon