Nine

36 1 0
                                    

Chapter 9.

Sigurado.


"Curious ka?" I asked Khairo when I noticed that he kept moving while driving me home.


His lips protruded. "Sa ilang taon nating pagkakaibigan, napakamisteryuso pa rin ng pamilya ninyo." bahagyang tumaas ang isang kilay ko sa pinagsasabi niya. "Sabihin mo nga ang totoo, Leria." gusto kong matawa sa pagseseryuso niya.


"What?"


Huminga siya nang malalim at sinulyapan ako. "Anak ka ng Mafia noh?"


Hinampas ko siya. "Baliw ka bah?! Paano mo naman nasabi iyan?!"


"Eh kasi naman... masyadong misteryuso ang pamilya ninyo tapos ang yaman pa ng mga great grandparents mo." paliwanag niya pero hinampas ko pa rin siya. "Aray! Tama na! Nagmamaneho ako oh!"


"Sarap mo rin talagang kausap! Ang daming pwedeng maging sagot pero anak ng Mafia? Baliw!!"


Natawa siya kaya nahampas ko ulit.


"Sabihin mo nalang kasi kung ano. Nangangati 'yung utak ko eh,"


"May utak ka na pala ngayon?" pambabara ko.


Nawalan siya ng imik at nakita ko ang pag-irap niya. Sinandal ko ang sarili at napabuga ng hangin. "Gusto mo talagang malaman?" tanong ko at tumango siya. I heaved a sigh again. "Ikakasal ako sa lalaking pinangako sa akin ng great grandparents ko."


"Hindi naman nakakagulat since mayaman na kayo simula pa noon," komento niya. "Kanino ka naman ikakasal?"


"Sa..." hindi ko matuloy. "Saka mo na alamin."


"Ay... ano bah iyan," reklamo niya.


Binaba niya ako na malayo pa sa gate ng bahay namin. I tapped his hair and that made him smile.


"Thank you for today, Khai." I said and he nodded. "Next week na naman..."


Hinintay kong makalayo na ang kotse niya at matapos no'n ay naglakad ako papunta sa gate. I caught my sister talking with a guy in our veranda. Natigil ako at tinitigan sila nang mabuti.


Wait, I think I know him. Jason? Si Jason ang nakikita ko.


Pumasok ako at dumiretso sa taas. Napalingon silang dalawa sa akin. Jason immediately stood up so I greeted him.


"It's been a long time, Leria." natutuwang aniya matapos akong mayakap.


"Kamusta ka na?" tanong ko.


Mas lalo siyang naging mature sa postura niya ngayon. From his thin body before, it turned into a big body. He looks like a man but no, walang nagbago sa ugali niya.

When You Ran Away (When Series #4)Where stories live. Discover now