CHAPTER 2

39.2K 973 119
                                    




CHAPTER TWO


Holy fucking shit. Gusto kong tawagin lahat ng santo sa sinabi niya saakin. Anong sinasabi ng babaeng 'to na siya ang magiging Mrs. Fraizer? Ano ba siya? Sineswerte? I tried to calm myself again. Kung hindi ako kakalma, wala akong masasabing maganda ngayon gabi.

"Oh? Bakit hindi ka nagsasalita? Gulat kaba? Happy ka magiging tatay kana?" Nakangising tanong niya saakin. Hinimas niya ulit ang tiyan niya. "Pasalamat ka maganda ako, magandang lahi ang mabibigay ko sa'yo."

She had confidence. She wasn't like this that night? Hindi ko ma-recall talaga anak ng putangama. Mukhang kaugali ko pa 'tong nadisgrasya ko ah.

"Ganda mo kasi," pangbobola ko nalang. "Upo ka muna."

Tatayo sana ako para hilahin ang upuan na nasa harap niya. But she stopped me.

"Kaya ko naman. Buntis ako pero nagagalaw ko pa naman ang kamay ko."

Mataray na babae. Was this my type? NO. Isang mataray na babae lang ang nagpatibok ng puso ko. Ni hindi ko nga makuha-kuha ang bruha na 'yon. She ended up being my friend instead. Umupo si Hailey sa harap ko, her facial features were told me that she was a strong woman. Holycow. Makapal ang kilay at maayos na nakakurba, she had cat eyes and also her nose wasn't that pointed but it suited her face. Her lips, damn. Mahihiya si Angelina Jolie sa babaeng 'to.

But do I like her? Still NO.

"Kumain kana ba?" tanong ko nang makaupo siya.

"Pa-fall ka parin pala gaya nung gabi na nagkabanggaan tayo."

I tried my best to remember. It was all blurry. Pero naalala ko na may nakatapon nga ng alak sa damit ko nung gabi 'yon. Was it her? Baka hindi ko lang siya makilala masyado ngayon dahil wala siyang make-up. Girls loved wearing make-up especially when going to a party. She would wear one if she wanted to impress me. But she did not. Her face was bare naked.

"Ang weird mo pala. Titingnan mo nalang ba ako at oobserbahan ng ganyan? Hindi ba dapat ako ang gumagawa sa'yo niyan?" Mataray na tanong niya sa'kin.

"Hindi kasi kita maalala, Hailey," pag-amin ko.

"Sa dami ng babaeng naka-date mo after that night. Malamang hindi mo ako talaga maaalala."

"I'm sorry..." Mahinang sabi ko. "Pero akin ba talaga 'yan? Ginawa ko ba talaga 'yon nung gabing 'yon?"

"Oo!" Pasigaw na sabi niya.

Itinaas ko ang kamay ko. "Huwag ka naman sumigaw, baby girl."

"Don't baby girl me. I'm not your baby!"

I bit my lip. Hinayupak. Nagkamali pa nga ako ng nabundol. Mukhang sasakit ang ulo ko sa babaeng 'to ah. Ano ba ang dapat gawin dito para mapaamo?

"Okay, bestie," sabi ko sakanya.

Nawala ang galit sa mukha niya. Huh. Gotcha.

"I can be your bestie if you don't want me to your lover. I get it, you hate me. Wala naman may gusto sa nangyari at hindi rin ako nag-ingat, bestie. Now tell me, anong gusto mong gawin sa fuckboy nayarn?"

She crossed her arms, trying to act tough. "Putulan ng ari, pwede kaya 'yon?"

"Bestie naman..." I pouted. Para kahit papaano, maakit naman siya sa charm na mayroon ako. "Pananagutan naman kita pero kasi, paano ako makakasiguro na saakin 'yan?"

"DNA. Hello?" taas-kilay na sabi niya saakin.

"Ang bobo ko sa part na 'yan," sabi ko sakanya. "Goods ako sa DNA. Pero pagkatapos non, may gusto kaba mangyari?"

That Damn Sexy ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon